^

Punto Mo

Ginger (162)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makita ni Anton ang mga mamahaling bato na ibinigay ni Tatang Nado, manghang-mangha siya. Ngayon lang siya nakakita ng ganung precious stones na kumikislap kapag tinatamaan ng liwanag.

‘‘Malaking kayamanan ito Ginger. Sobra-sobra ang mapagbibilhan dito kahit pa gastusan si Daniel sa kanyang pag-aaral.’’

‘‘Hindi lang si Daniel ang pag-aaralin at tutulungan natin, Anton—marami pang bata na kapuspalad. Si Daniel daw ang nakaaalam sa mga bata na tinutukoy ni Tatang Nado.’’

‘‘Kahit pa, Ginger. Ang mapagbibilhan ng mga mamahaling bato ay sobra-sobra. Maraming pera ito !’’

‘‘Marami pang sinabi sa sulat si Tatang Nado, Anton—tungkol sa kayamanan na nasa kanyang lupa.’’

‘‘Ano pa Ginger?’’

Kinuha ni Ginger ang sulat ni Tatang Nado at pinabasa kay Anton.

Mabilis na binasa ni Anton. Pagkatapos basahin ay natutula siya. Hindi niya akalain na ang balon na kinunan niya ng bato na ipinanggamot kay Ginger ay maraming precious stones.

Naalala ni Anton, nang kinuha niya sa balon ang bato na ginamit kay Ginger, tinanong siya noon ni Tatang Nado kung ano pa ang nakita sa balon at ang sagot niya ay wala na. At ngayon lang niya naisip na mayroon siyang napansin na mga makikintab na bato sa gilid ng balon. Pero wala sa hinagap niya na precious stones yun.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with