^

Punto Mo

Babae sa Vietnam, 41 taon nang hindi kumakain at nabubuhay lang sa pag-inom ng tubig!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 63-anyos na babae sa Vietnam ang diumano’y 41 taon nang hindi kumakain ng solid food at naka-survive lamang sa pag-inom ng tubig!

Naging tanyag si Ms. Ngon sa kanilang bayan sa Tan Trach, Long An province dahil sa kanyang kakaibang diet. Ito ay dahil sa nakaraang apat na dekada, ang tanging source of nutrients lamang niya ay pag-inom ng tubig na may asin, asukal at katas ng lemon.

Hinahangaan si Ms. Ngon ng mga tao sa kanyang lugar dahil bukod sa healthy at masigla niyang pangangatawan, kayang-kaya niya ang mga kumplikadong Yoga poses na hindi kayang gawin ng mga mas nakababata sa kanya.

Nagsimula ang pambihirang diet ni Ms. Ngon noong siya’y 21 years old matapos niyang malaman na mayroon siyang blood disease. Sa takot na maaga siyang mamamatay dahil sa kanyang sakit, sinunod niya ang payo ng isang albularyo sa kanilang bayan na itigil na niya ang pagkain ng solid food at uminom na lamang ng tubig na may asukal, asin at lemon juice.

Sa una ay diskumpiyado ang pamilya ni Ms. Ngon sa payo ng albularyo at pinigilan siya na sundin ang payo na ito. Ngunit sa kalaunan, nakita nila na umayos ang kalusugan niya at hinayaan na siya sa diet na ito.

Sa kasalukuyan, isang acupuncturist at Yoga teacher si Ms. Ngon. Kahit isa siyang guro at health advocate, hindi niya hinihikayat ang kanyang mga estudyante na gayahin ang kanyang lifestyle. Sa tingin kasi niya, ang pag-survive niya sa tubig lamang ay itinuturing niya bilang isang miracle at maaaring makasama kung susubukan ng iba.

 

FOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with