^

Punto Mo

EDITORYAL - Big time drug lords ang dakmain

Pang-masa
EDITORYAL - Big time drug lords ang dakmain

WALANG malaking drug lords na nahuhuli ayon kay President Ferdinand Marcos Jr. Small fry lang daw. Gusto niya big time drug lords ang hulihin ng PNP. Dito aniya siya masisiyahan.

Mula nang maupo si Marcos noong Hunyo 30, 2022, panay na panay ang pagdakma ng PNP sa drug pushers. Halos araw-araw, mayroong nahuhuli ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Pawang Chinese ang kanilang nada­dakma na ang hawak na shabu ay nagkakahalaga ng ­milyong piso.

Subalit maliliit lang na drug pushers ang nahuhuli. Pawang dilis lang at walang balyena na nabi­bingwit. Ano ba ito? Kung pawang maliliit, walang saysay ang kampanya ng pamahalaan.

Bakit nga ba walang “utak” na nahuhuli? Nasaan ang source o pinanggagalingan ng droga? Hanggang sa pagdakma lang ang PDEA at hindi na pinagkakaabalahang alamin kung saan nanggaling ang droga.

Sinabi ni Marcos sa isang forum sa New York, noon pa raw niya ipinag-utos sa PNP na magpokus sa big time narcotics suppliers at distributors. Sinabi pa ng presidente na hindi siya interesado sa maliliit na drug pushers.

Sa mga sinabi ni Marcos, nararapat pag-ibayuhin pa ng PNP at ng PDEA ang kanilang pagsisikap na makalambat ng big time drug lords. Huwag silang magkasya na maliliit na drug pushers lang ang nadadakma. Huwag silang masiyahan sa ganitong kaliit na huli na hindi masosolb ang problema sa droga.

Kung hindi magbabago ng estilo ang PNP at PDEA, lalo pang lulubha ang problema ng droga sa bansa. Kawawa ang mga kabataan na laging biktima ng illegal na droga. Kilos PNP!

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with