^

Punto Mo

Operasyon vs human trafficking, paigtingin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

DAPAT pa sigurong mapaigting ang operasyon laban sa mga sindikato ng human trafficking at yung mga ginagamit ang mga menor de edad sa online sexual exploitation.

Sa sunoud-sunod na operasyon kasi ng pulisya at maging ng National Bureau of Investigation (NBI), nagiging talamak na ang operasyon ng mga grupong sangkot  dito na sinasamantala ang mga minors na siyang pangunahing ginagamit sa kanilang modus.

Pinagkakakitaan ng mga balasubas ang mga menor de edad, kadalasan na kinukunan ng malalaswang video kapalit ng maliit na halaga.

Habang ang video naman ay patok nilang pinagkakakitan na ibinebenta sa mga dayuhang kostumer.

Mas lalo namang nakakaalarma na minsan pa nga mga magulang o kaanak pa ang siyang nagsasangkot sa kanilang kaanak o pamilya sa ganitong gawain dahil lamang sa pera.

Sa huling operasyon ng NBI-Anti Human Trafficking Division, limang bata na naman ang kanilang nasagip habang dalawang suspect ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Taguig, kamakailan.

Sa Parañaque naman, 24 na dayuhang kababaihan ang nasagip din. Halos ganun din, ginagamit ang mga ito ng sindikato sa kanilang sex at human trafficking scheme. Dalawang Chinese na sangkot dito ang nadakip.

Mukhang walang takot ang grupong dawit sa ganitong ilegal na aktibidades. Kapansin-pansin ding talamak ang ganitong operasyon ngayon sa Pinas.

Baka kasi naluluwagan sila dito kaya dito sila ngayon nag-o-operate.

Dapat sigurong mas matinding parusa ang maipataw sa mga sangkot sa sex exploitation/ human trafficking ng mga menor de edad. Bukod pa sa mas mahigpit na pagbabantay ang kailangan para tuluyan nang mawalis at masawata ang mga ito.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with