^

Punto Mo

IAS employees, nag-aaway sa missing OSP fund!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAG-AAWAY ang mga empleyado ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) patungkol sa kanilang missing milyones na Occupational Specialty Pay (OSP). Naisantabi muna sa debate ang sexual harassment na kaso na isinampa sa Ombudsman ni Genevieve Lipura laban kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo. Kung sabagay, mas importante ang pera dahil mas kailangan ito ng mga empleyado bilang pantustos sa pang-araw-araw na gastusin nila sa panahon ng pandemya, di ba mga kosa? Sino ba ang ayaw sa grasya kung nakasaad sa batas na para sa empleyado ng IAS itong OSP dahil sa delikado nilang trabaho—ang pag-imbestiga ng mga tiwaling pulis? Kaya dapat, alamin ni President Bongbong Marcos ang hiwaga nitong missing OSP fund dahil taxpayers money ito, di ba mga kosa? Ang matinding tanong, bakit sobrang tahimik sina Triambulo at PNP chief Gen. Jun Azurin sa isyu ng OSP fund?. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Pera na naging bato pa. Araguuyyyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Eh di wow!

Ang nagpapalitan ng maanghang na salita sa social media patungkol sa missing OSP fund ay sina Rodolfo Yogyog at Rolando Ulep. Si Yogyog ay retiradong empleyado ng IAS na nanghihinayang na hindi niya nakuha ang OSP niya mula 2017, 2018 at 2019. Ang tanong ni Yogyog ay bakit delay or nawawala ang OSP fund samantalang pinondohan ito ng taxpayers money?  Araguuyyyyyy! Malinaw sa R.A. 8551 na ang OSP ay katumbas sa 50 percent ng base pay ng IAS employees kaya hindi sila dapat manahimik sa isyu para magkalinawan na, ani Yogyog. Ayon kay Yogyog, isa siyang bihasang imbestigador sa kaso ng mga tiwaling kapulisan noong aktibo pa siya sa IAS at kaya siya nagretiro ay para samahan ang kanyang pamilya sa Canada. At handa si Yogyog na humarap sa Senado kapag nagpatawag ito ng hearing para mbestigahan ang OSP fund. Eh di wow! Hak hak hak! Ayon pa kay Yogyog, kung ayaw nang ibigay ng IAS ang OSP fund sa empleado, dapat i-amyendahan na ang batas ng PNP. Dipugaaaaa!

Tinawag naman ni Ulep si Yogyog na “mayabang at binuhat mo ang sarili mong bangko.” Mukhang nag-research si Ulep dahil alam niya na si Yogyog ay na-assign dati sa Cordillera police kung saan disiplinado ang mga pulis. “Hypocrite ka Lakay. Who you know things in fact umapak ka lang sa Canada akala mo kung sino kang mag-lecture, research ka muna bago ka manghusga ang magturo. Tanga ka rin pala Lakay,” ani Ulep. “Ang matinong tao ginagamit ang kanyang angking talino sa mabuti, hindi manakot at magpahiya ng kapwa. Alam mo ‘yun?” dagdag pa ni Ulep. Marami pang pangungutya na comment si Ulep kay Yogyog subalit wala na ito sa isyu. Kaya hindi ko na papatulan mga kosa at baka lumala pa ang away nila. Mismooooo! Hak hak hak! Mukhang attack dog ni Triambulo si Ulep, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa! 

Nagalit pa si Ulep nang punahin ni Yogyog na gumagamit siya ng fake account. Eh di wow! Ang saya-saya sa IAS, ‘no mga kosa? Abangan!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with