^

Punto Mo

Psychology facts (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang nananatili sa ating memorya: 90 percent ng ating ginawa, 50 percent ng ating nakita, at 10 percent ng ating narinig.

• Kahit pa tayo ay natutulog, naiintindihan pa rin ng  ating utak ang mga salitang naririnig natin sa ating paligid.

• Mas “fake” ang isang tao, mas nagiging malawak ang kanyang circle of friends. Mas nagpapakatotoo ang isang tao, mas maliit ang kanyang circle of friends. Kaya lang dahil “fake” siya, malamang na marami rin siyang “fake friends”.

• Pistanthrophobia ang tawag sa takot magtiwala sa ibang tao dahil sa masamang karanasan sa nakalipas na pakikipagrelasyon.

• Hindi totoo sa lahat ng oras na kapag nagkaroon ka ng karelasyon, 2 sa 5 kaibigan mo ay nawawala. Ang isang healthy relationship ay hindi nangangailangan na isakripisyo mo ang iyong mga kaibigan, ang iyong pangarap o iyong dignidad, manapa’y nagpapausbong pa ito ng iyong pagkatao.

• Iwasang muling kaibiganin ang isang taong sumira ng iyong pagkatao, relasyon at nagnakaw ng iyong pera. Ang ahas ay nagpapalit-balat dahil isa na siyang malaking ahas.

• Base sa isang pag-aaral sa U.S., ang isang babaing ipinapagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo hanggang sa makatapos ay mas lumalaki ang tsansang makapag-asawa ng mabuting lalaki at lumiliit ang tsansang makipag-divorce.

• Ang paliligo at paglilinis ng katawan ay nakakabawas ng anxiety dulot ng isang nakaka-stress na pangyayari na naranasan.

• Ang pakikipaghalikan ay nakakatulong upang hindi agad magkaroon ng wrinkles dahil 29 muscles ang gumagalaw habang naghahalikan. Nadadagdagan ng 5 years or more, ang buhay sa kanyang normal life time kung makikipaghalikan araw-araw.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with