^

Punto Mo

Bantayan ni BBM ang kanyang likuran!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KASABIHAN na ang nagpapahamak sa isang organisasyon ay inggit at pansariling adhikain ng ilan sa naging nakasama sa labanan. Naging leksiyon na ito sa mga nakaraang administrasyon di ba?

Isang malaking usapin ang namagitan kina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio na naging isang alamat at kasabihang “There is no permanent friend in politics!” At si Manuel L. Quezon na isang tenyente lamang ni Heneral Miyong ang nagpalugso ng liderato nito, dahil sa isyu nang pagiging compañero nito ng mga Kano. At hanggang ngayon, nagpapatuloy ang ganitong kalakaran. Peksman!

Hindi lingid sa maraming sumubaybay sa liderato ni dating president Ferdinand Marcos Sr. ang pagi­ging mabuting kaibigan nito. Nasadlak nga sa isang makasaysayang kudeta nang noo’y Defense secretary Juan Ponce Enrile at former PC chief Gen. Fidel Ramos na kapwa malaki ang selos kay AFP chief Gen. Fabian Ver and company, he-he!

Nangupete ang maliit na grupo nina Enrile at Ramos noon kaya humingi sila ng basbas ni Jaime Cardinal Sin. Nanawagan naman si Sin ng “prayer rally” sa mga Katoliko para suportahan ang dalawa, at dumagsa na nga ang kawan ng “Marites” (tsismoso at tsismosa), “Marisol”( Sulsolero at sulsolera) na may sukbit na “Usi” (Usisero at usisera). At ang sumunod ay history na ng EDSA. Tsamba ba o himala talaga?

Kung may nagaganap nang senaryo ng sulutan at intrigahan sa Malacañang ay sila-sila pa lamang ang nakaaalam. Dapat na itong maampat ngayon pa lang upang maiwasan ang nakaririmarim na magiging bunga nito. Panghawakan na nila ang leksiyon ng nakaraan. Tama ba Sandro? Yahooo!

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with