^

Punto Mo

Ginger (161)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IBINALIK ni Ginger ang mga mamahaling bato sa itim na supot. Anim na piraso iyon! Singlaki ng kamao niya ang bawat bato. Naimadyin ni Ginger kung gaano kalaking halaga ang bawat bato. Baka ang halaga ng mga iyon ay sobra-sobra sa pagpapaaral at pagpapakain sa mga kapuspalad na bata. Baka nakatapos na’t lahat ang mga bata ay marami pang sobrang pera na napagbilhan sa mga mamahaling bato.

At sabi ni Tatang Nado sa sulat, marami pang mamahaling bato sa balon. Alam daw ni Anton ang balon na iyon. Kung marami pang mamahahaling bato sa balon, hindi birong kayamanan ang iniwan ng matanda. Sobra-sobrang kayamanan!

Makaraang itago ang mga mamahaling bato, agad niyang tinawagan si Anton sa opisina.

‘‘May maganda akong ibabalita sa’yo Anton?’’

‘‘Aha alam ko na ‘yan! Buntis ka na ano?’’

Nagtawa si Ginger.

‘‘Hindi! Iba ang ibabalita ko !’’

‘‘Ano?’’

Sinabi ni Ginger ang tungkol sa precious stones.

Hindi makapagsalita si Anton sa nalaman.

Nagmamadali siyang umuwi para makita ang malaking kayamanan.

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with