^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag alisin, face masks sa mga eskuwelahan

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag alisin, face masks sa mga eskuwelahan

MAY mga local government units (LGUs) na nagbabalak nang luwagan ang pagsusuot ng face mask sa kanilang lugar. Kapag nasa labas ng building o nasa parke, gustong boluntaryo na lang ang pagsu­suot ng face mask.

Ang balak na ito ay naghahatid naman ng kaba sapagkat nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa susunod na buwan. Ayon kay Dr. Guido David, nakapagtala ng mataas na 17.5% na positivity rate sa NCR. Sinabi ni David na posibleng pumalo sa 2,000 kada araw ang kaso ng COVID.

Ayon naman sa pag-aanalisa ng Department of Health (DOH) mula sa 14.2% noong Setyembre 14, umakyat ito sa 17.5% noong Setyembre 21. Mataas umano ito sa 5% benchmark ng World Health Orga­nization (WHO). Samantala, sinabi naman ng WHO representative sa Pilipinas na hindi pa panahon para ideklarang tapos na ang pandemya sa bansa. Ang pahayag ay ginawa kasunod ng mga pagluluwag sa pagsusuot ng face masks. Unang nagluwag ang Cebu City sa pagsusuot ng face masks sa kabila nang pagtutol ng DOH.

Maaaring dumami pa ang LGUs na magpapatupad­ ng pagluluwag o kaya’y tuluyan nang alisin ang pagsusuot ng face masks. Katwiran din ay para umano­ mahi­kayat ang mga turista sa kanilang lugar. Kara­mihan­ sa mga dayuhan ay ayaw nang mag-face mask. Umi­iwas umano ang mga dayuhan o turista sa mga lugar na mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask.

Sa ganitong sitwasyon na marami na ang balak sa pagtanggal ng face mask, dapat namang panatilihin sa mga eskuwelahan ang pagsusuot nito. Delikado kapag ginawang voluntary sa school. Posibleng dito magkaroon ng hawahan lalo pa’t hindi maganda ang bentilasyon sa mga school. Paikut-ikot lang ang hangin at kung walang face mask ang estudyante, lang­hap nila ang virus.

Maraming mahahawa dahil ang mga estudyante ay wala pang bakuna at booster shots. Maski ang mga guro ay wala pa ring booster shots. Kung ang iba ay nagmamadali sa pagtanggal ng face masks, hindi ito dapat gawin sa mga school. Isaalang-alang ang kalig­tasan ng mga bata sa school.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with