^

Punto Mo

Psychology fact

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Magpasalamat ka kahit lasing ang iyong kakilala ay naalaala ka pa ring i-text dahil ikaw pa rin ang nasa isip niya sa panahong hindi siya makapag-isip nang maayos.

Bumababa ang boses ng lalaki kapag ang kausap niya ay ang babaing iniibig niya.

Kapag malinaw mong natatandaan ang iyong panaginip, hindi lang ‘yun panaginip kundi importanteng mensahe para sa iyo.

Kapag tinitigan ang babae ng kanyang manliligaw o boyfriend, ang nasa isip niya ay ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Kapag ang isang tao ay laging nasa isipan mo sa loob ng ilang taon kahit na wala kayong komunikasyon, asahan mong mahal ka ng taong iyon. Kaya siya nananatili sa isipan mo ay dahil ikaw lagi ang laman ng isipan niya.

Apat na palatandaan na “super attractive” ka: 1) Lagi kang tinitingnan ng mga tao kahit hindi mo sila kakilala; 2) bihira kang makaranas ng papuri; 3) nakataas ang kilay nang ibang tao kapag tinitingnan ka; 4) alinman sa dalawa ang reaksiyon sa iyo ng ibang tao: inis sa iyo kahit hindi mo sila nakakaaway or super nice sila kahit hindi mo naman ka-close.

Ang katawan natin ay pinakamahina sa pagitan ng 3:00 to 4:00 a.m. kaya ito ang oras na namamatay ang ibang tao habang natutulog.

Upang makaakit nang maraming kaibigan, ipakita mong lagi kang masaya. Natural na sa mga tao na lumapit sa masayahing tao dahil ang gusto rin nila ay maging masaya ang kanilang buhay.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with