^

Punto Mo

Ginger (160)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAGPATULOY ni Ginger ang pagbabasa sa sulat ni Tatang Nado. Detalyado ang mga ipinagagawa nitong pag­hahabilin sa mga bata. At hindi lamang pala si Daniel ang tinutulungan nito kundi marami pang bata. Si Daniel daw ang nakaaalam sa mga bata at kung nasaan ang mga ito.

Malinaw na malinaw ang mga sinabi ni Tatang Nado sa sulat:

‘‘Ginger, gamitin ninyong mag-asawa ang perang mapagbibilhan sa mga precious stone para sa mga gastusin ng mga bata. Hangad ko ay mabigyan sila ng magandang buhay. Kawawa naman sila dahil karamihan sa kanila ay mga ulila na.

Hindi mauubos ang mga mamahaling bato sapagkat patuloy na nanganganak. Nasa balon na ipina­kita ko kay Anton ang mina ng mga bato. Sa balon na iyon kinuha ni Anton ang mahiwagang bato na ginamit para ka gumaling. Tanda-tanda ni Anton kung nasaan ang balon.

Kabisado rin ni Daniel ang balon kaya kayong tatlo lamang ang nakaaalam ng mina ng mga mamahaling bato. Sa tantiya ko, may iba pang mga balon sa paligid ng kubo na may mga mamahaling bato.

Kayo na ni Anton ang bahalang magprotekta sa kubo at lupang kinatitikan. Kumpleto sa papeles ang lupa. May titulo. Ang mga dokumento ay itinago ni Daniel. Siya lahat ang nakaaalam kung nasaan ang mga papeles.

Kayo nang mag-asawa ang bahala kung ano ang gagawin sa lupa na nasisiguro kong may mina ng mga mamahaling bato. Gamitin n’yo para matulungan ang mga batang kapus­palad sa Daang Diablo. Maraming salamat sa inyong mag-asawa.—TATANG NADO

Hindi makapaniwala si Ginger sa mga sinabi ni Tatang Nado. Naiimadyin niya kung gaano karami pang mamahaling bato ang nasa lupa ni Tatang Nado. Walang pagkaubos sapagkat patuloy na nanganganak.

Nangako si Ginger na tutuparin nila ni Anton ang hiling ni Tatang Nado ukol sa mga bata. Gagastusan nila ang pag-aaral at pakakainin ang mga ito. Matutupad ang kahilingan ng matanda para sa mga bata. (Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with