^

Punto Mo

Google, nagdeposito ng $249,999 sa maling tao!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINUMPIRMA ng Google spokesperson noong Sep­tember 16 na ang pag-deposit ng kanilang kompanya ng halagang $249,999 sa account ng isang cybersecurity professional ay resulta ng human error.

Noong September 14, 2022, nag-tweet ang IT security engineer na si Sam Curry tungkol sa Google. Ayon sa twitter post, nag-deposit ang Google nang malaking halaga ng pera sa kanyang bank account, tatlong linggo na ang nakararaan. Kalakip ng tweet ay screenshot kung saan makikita na nagkakahalaga ng 249,999 ang dineposit ng “Google Llc Edi Pymnts”.

Ayon kay Curry, ilang beses na siyang tumanggap ng freelancing jobs sa Google ngunit wala siyang project kama­kailan para makatanggap ng ganoon kalaking pera mula sa nasabing tech company.

Sa loob ng tatlong linggo na pag-contact niya sa Google, walang sumasagot sa mga inquiries niya tungkol sa mystery payment. Kaya naisipan niya na mag-tweet tungkol dito upang mapansin siya ng kinauukulan.

Dahil nag-viral ang twitter post ni Curry, agad itong napansin ng Google at nag­labas ito ng statement na isa itong “human error”. Pagkatapos makipagkoor­dina ni Curry sa kanyang banko, naibalik na niya ang lahat ng pera sa Google.

GOOGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with