^

Punto Mo

PBEd, suportado si BBM sa pagsasanay ng kabataan sa trabaho!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MUKHANG natagpuan ni President Bongbong Marcus ang susi para tuluyang pababain ang bilang ng mga kabataang Pinoy na walang trabaho sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng tamang skills. Malaki ang kumpiyansa ng advocacy group na Philippine Business for Education (PBEd) na kakayanin ni BBM na bigyan solution ang matagal ng suliranin na kawalang trabaho sa bansa, lalo sa hanay ng kabataan.

Bakit kamo? Sa Economic Forum ng New York Stock Exchange sinabi ni BBM na ang pinakamahalagang yaman ng Pinas ay ang mga manggagawa. Binigyan diin ni BBM na ang kanyang liderato ay nakatutok sa pagpapaunlad ng sistema ng education at pamuhunan ang kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karampatang pagsasanay o training. Eh di wow! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Sinuportahan naman si PBEd’s Executive Director Lovelaine Basillote ang programa ni BBM at nangako itong magbibigay sila ng kinakailangang kasanayan para sa mga kabataan nang sa gayon maging bihasa sila sa papasuking trabaho.“We support the administration’s push to provide learners with the right skills training needed to enter the workforce. With the changing economic landscape, it is imperative that the country’s workforce are not only educated but also skilled and trained for the changing economy,” sabi ni Basillote. “The right mix of education and training is key to continue the downward trend in youth unemployment. Investing in human capital will create limitless potential for the country,” ang giit pa ni Basillote. Mismooooo!

Base sa resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority’s nitong July, 11,9 percent ng kabataan sa edad 15 to 24 years old ay walang trabaho na mas bumaba kumpara sa mga nakaraang taon. Ang PBEd ay nangunguna sa pagtutulak ng malawak ng pakikilahok ng private sector sa edukasyon at training ng mga young workers upang masiguro na sila ay may ‘ayong kaalaman at kasanayan na kailangan ng mga industriya sa Pinas. Eh di wow! Hak hak hak! Walang kokontra ha?

Ang flagship workforce development program ng PBEd ay ang YouthWorks PH (YWPH) na ipinatutupad sa tulong ng United States Agency for International Development (USAID). It ay nilunsad noong 2018 upang bigyan ang kabataan na hindi nag-aaral, walang trabaho o training ng life skills training, technical-vocational training, at mentoring. Ito ay nagbibigay ng on-the-job training na may kasamang sahod para ang mga kabataan ay kumita habang natututo.

Mahigit 13,000 na kabataan ang nabigyan ng pagsasanay at trabaho sa mga high-value sectors tulad ng construction, hospitality, manufacturing, retail, logistics and information technology simula 2018.

Bagamat may pandemya at mahina ang ekonomiya, 88 percent ng trainees ay nagkaroon ng kasanayan at trabaho matapos makumpleto ang programa.
“The government must work closely with the private sector in order to come up with scalable policies and programs geared toward building a generation of Filipinos with higher learning outcomes, and accelerating economic growth,” ani Basillote. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

BONGBONG MARCUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with