^

Punto Mo

EDITORYAL - Bagong biktima ng ‘pataynity’

Pang-masa
EDITORYAL - Bagong biktima ng âpataynityâ

MAY biktima na naman ang mga berdugo ng fraternity. Kahit may Anti-Hazing Law (Republic Act 8049) patuloy pa rin ang hazing daan para mamatay ang kanilang brod. Kahit may batas, lalo pang naging ulol at uhaw sa dugo ng kanilang ka-brod ang mga miyembro ng fraternity.

Namatay noong Linggo si August Ceazar Saplot, estudyante ng University of Mindanao, residente ng Upper Mandug, Buhangin, Davao City at miyembro ng Alpha Kappa Rho Fraternity. Namatay si Saplot dahil sa mga tinamong palo sa hita at likod. Walong miyembro ng Alpha Kappa Rho ang inaresto at nasa kustodiya ng Davao City police. Anim pa ang pinaghahanap ng pulisya. Bukod kay Saplot, isa pang estudyante ang biktima rin ng hazing at nasa ospital.

Paulit-ulit lang ang pagkamatay dahil sa hazing at wala nang natatakot kahit pa may batas na nagbabawal dito. Nakapagtataka rin kung namo-monitor pa ba ng mga pinuno ng eskuwelahan ang mga namamayaning fraternities. O wala na silang pakialam?

Noong nakaraang taon, namatay din sa hazing ang 18-anyos na si Reymart Madrazo, ng Kalayaan, Laguna. Mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang nasa likod ng hazing na ikinamatay ni Madrazo. Naganap ang hazing sa isang lugar sa Kalayaan. Dinala si Madrazo sa isang ospital sa Pakil, Laguna subalit patay na ito sa dami ng mga pasa at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ilalim ng Anti-Hazing Law, mahigpit na pinagbabawal ang hazing at iba pang bayolenteng initiation rites ng fraternities, sororities at iba pang katulad na grupo. Makakasuhan din ang eskuwelahan, leader ng fraternities at ang may-ari ng lugar kung saan naganap ang hazing.

Pero sa kabila nito, patuloy ang hazing at pagkamatay. Nagpapakita lamang ito na walang ngipin ang batas ukol sa hazing. Marami pa ring miyembro ng fraternity ang mistulang berdugo sa oras ng initiation.

Nararapat lagyan ng ngipin ang Anti-Hazing Law o amyendahan ito para hindi na maging paulit-ulit ang pagpapahirap na nauuwi sa kamatayan. Bigatan ang parusa sa mga berdugo.

FRATERNITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with