^

Punto Mo

EDITORYAL – Perwisyong POGO

Pang-masa
EDITORYAL � Perwisyong POGO

NOONG 2017 nagsimulang dumagsa sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Kailangang Chinese na mahusay sa Mandarin ang empleyado dahil mga Chinese ang customer sa online gambling. Ang ope­rasyon ng POGOs ay may permiso ng Philippine Amuse­ment and Gaming Corporation (Pagcor). Ayon sa Pagcor, malaki ang kikitain ng bansa at makatutulong sa “Build, Build, Build” program nang noon ay Duterte administration. Iglap, umabot sa 130,000 ang mga Chinese sa bansa bago natapos ang 2017. Sa kasalukuyan, hindi makumpirma kung ilan ang kabuuang bilang ng mga Chinese na nasa bansa. May tinataya namang 40,000 illegal POGO workers ang ipade-deport ng Department of Justice.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kumita ang bansa ng P579 million noong 2018 dahil sa ibinayad na buwis at noong 2019, umabot sa P789 million. Sinasabing kumita ang bansa noong 2020 ng P7.18 billion pero ngayong 2021, bumagsak sa P3.9 billion na lamang ang revenue collection.

Ang pagbagsak ng koleksiyon sa POGOs ay sina­bayan nang maraming krimen sangkot ang mga Chinese. Umarangkada ang kaliwa’t kanang pangi­ngidnap. Pawang mga Chinese ang kinikidnap at ang utak ay kapwa Chinese na pinatutubos nang malaking halaga ang biktima. Karamihan umano sa kinikidnap ay mga natatalo sa sugal at hindi nakakabayad­. Bukod sa pangingidnap, marami ring Chinese POGO workers­ ang kinukulong at pinahihirapan ng sindikato. Kara­mihan sa na-rescue ng DILG ay mga Chinese na walang passport, o anumang papeles. Lalong tumibay ang hinala na kaya nakapasok sa bansa ang mga Chinese ay dahil sa “pastillas scam” ng mga korap sa Bureau of Immigration.

Maraming senador ang nagkakaisa na ipagbawal na ang POGO. May naghain na ng batas na nagba­bawal sa online gambling. Hindi umano nakakatulong ang POGO sa kabuhayan ng bansa.

Perwisyo at walang pakinabang ang POGO. Nag­dudulot pa ng kahihiyan sa bansa ang mga nangya­yaring krimen na ang mga utak ay Chinese. Panahon na para bitiwan ang POGO.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with