^

Punto Mo

Sa bangungot ni Vic Rodriguez, sumisinghap mga tunay na loyalist!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NALUBLOB sa kumunoy ng kompromiso si Atty. Victor Rodriguez mula nang maitalagang Executive Secretary ni Pres. Bongbong Marcos. At nangyari na nga ang pinanga­ngambahan nang marami na sa pagsisimula ng trabaho nito, mahaharap sa isang masalimuot na sitwasyon dahil sa pag-aagawan ng papakinabangin sa gobyerno ng mga nakasawsaw sa UniTeam.

Limang political parties ang umaangkin ng kredito sa pagkakapanalo ni BBM—Partido Federal, Lakas CMD, PDP-Laban (Cusi Wing), Nacionalista Party at Hugpong ng Pagbabago. Hindi pa kabilang dito ang political funders na umaasa ng sukli sa pamumuhunan nila kay BBM. 

Namalikmata si Rodriguez sa pagbubuo nito ng working team sa bagong administrasyon. Hindi niya napansin ang mga askal na naglalaway sa kanyang paligid na tumitiyempo para sagpangin siya. Ano kaya ang naaamoy nila?

Nauna nang naintriga si Rodriguez noong campaign period dahil sa diumano’y malaking halaga ng “unliquidated o unreported campaign funds”. Ikalawa ay may kinalaman sa diumano’y “appointment for a fee”. Nalinis man ng senado sa pagkakasangkot sa masalimuot na sugar importation si Rodriguez. mistulang consuelo de bobo na lang ito. The victor is still the loser!

Dahil sa nangyari, malamang na kinakabahan na rin ang mga naipuwesto na sa masasabaw na posisyon sa gobyerno na pirmado ni Rodriquez ang appointments kapag nagkataon. Naglalaway naman ang “abangers” sa katakam-takam na posisyon na mababakante. Kumakawag na tiyak ang buntot ni Brownie, he-he!

Sa dami ng “political warlords” sa uniTeam, hindi nakapagtatakang maglabu-labo ang mga ito kapag hindi natimpla ng tama ang pagbabahagi ng papakinabangin ng mga asungot nila. Baka loyalista naman ang magtungo sa EDSA. Yahoooo!

VIC RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with