^

Punto Mo

Batang babae sa Mexico na inakalang patay na at ibinurol, nagising habang pinaglalamayan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 3-taong gulang na batang babae sa Mexico na nagngangalang Camila Roxana Martinez Mendoza ang gumising sa kanyang kabaong habang pinaglalamayan!

Naganap ang insidente sa Villa de Ramos, Mexico noong Agosto 17, 2022. Sinisisi ng ina ni Camila, na si Mary Jane ang ospital kung saan dineklarang patay na ang bata.

Nakaranas nang matin­ding pananakit ng tiyan si Camila kaya dinala siya sa rural hospital ng Villa de Ramos. Ayon kay Mary Jane sinabihan siya ng doktor na kailangang dalhin sa mas malaking ospital si Camila. Sinunod nila ang payo ng doktor at inilipat nila ito sa isang ospital sa siyudad ng San Luis Potosi. Ngunit lalong lumala ang lagay ni Camila pagkatapos itong ilipat ng ospital.

Matapos ang isang gabi, dineklarang patay na si Camila at severe dehydration ang sanhi ng kamatayan.

Sumunod na araw, sa lamay, napansin ni Mary Jane na nagpapawis ang salamin sa kabaong na tila humihinga pa ang bata sa loob. Gustong ipabukas ni Mary Jane ang kabaong ngunit pinigilan siya ng mga kamag-anak sa bintang na guni-guni lang ito dala ng matinding pagluluksa.

Napilitan nang buksan ang kabaong nang napansin naman ng lola ni Camila na gumagalaw ang talukap ng mata nito. Pagkabukas sa kabaong, na­ramdamang may pulso pa ito at ilan ang nakasaksi na iminulat ng bata ang kanyang mata ng ilang segundo.  Agad tumawag ng ambulansya ang pamilya para dalhin muli sa ospital ang katawan ni Camila.

Pagdating sa ospital, dahil sobrang hina na ng katawan ng bata, nahirapan ang mga doktor na i-revive ito. Sa ikawalang beses, idineklarang patay na si Camila at sa pagkakataong ito, cerebral edema o brain swelling ang sanhi ng pagkamatay.

Nagsampa ng kaso ang pamilya Mendoza sa ospital na maling nagdeklara ng kamata­yan ni Camila. Sa kasalukuyan, naglunsad nang malawakang imbestigasyon ang San Luis Potosi State Attorney General sa kasong ito.

 

MEXICO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with