^

Punto Mo

May lasong menu at istorya ng pulitika, BBM ‘wag kukurap!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAGING leksiyon sana sa lahat ang mga istorya ng masamang buena mano sa pulitika sa pagitan nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio. Nagsimula sila sa pagiging magkaalyado sa isang rebolusyon at nagtapos sa masalimuot na komprontasyon.

Nagkalat ngayon ang mga demonyong mahilig manggatong at magpainit. Gustong gumawa ng senaryong “puniteam” para basagin ang UniTeam. Ingaaat!

Dahil sa sulsol at maling payo ng mga “Inteligente pero Codicioso” (mga matatalinong ganid) kay Aguinaldo ay lumugso ang liderato nito. Mga mayayaman at may pinag-aralan o “ilustrados” ang mga naging miyembro ng gabinete ni Aguinaldo samantalang tinawag na “Indio” ang mga kulang sa pinag-aralan na nakipagpatayan para sa kalayaan. Kabaliktaran naman ng ilan sa mga taga-UP. Pinag-aaral natin para maki­pagpatayan at guluhin ang bayan. O, di ba?

Sina Sen. Blas Ople at Sen. Kit Tatad ay kapwa hindi nakapagtapos sa kolehiyo nang kunin ni Apo Ferdie Marcos ang kanilang serbisyo. Nagsimula ang dalawa sa kawalan. Kalaunan, nagkaroon man, pero hindi naman naging singkad yaman. Eh, hindi naman kasi tunog “kastilaloy” at “tsekwa” ang apelyido nilang dalawa, he-he-he!

Hindi malayong mangyari rin kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang nangyari sa pamilya niya kapag nakaligtaan niya ang aral ng nakaraan. Inuna ng mga nakapaligid sa kanya ang mangulimbat kaysa tumulong sa pagpapaunlad ng bayan. 

Nangyari na sa tatay niya ang ganitong mga senaryo noon. Nangamkam ng limpak na salapi ang mga alipores ni Apo Ferdie noon at ikinatang sa liderato niya ang sisi. Tuluyang napabagsak ang liderato ni Apo Ferdie. Inilipad siya ng mga Kano sa Hawaii. O, Mang Juan andiyan ka na naman. Baka masilip ka na naman ni Uncle Sam!

May mga nagluluto na sa Senado at siguradong nag-aam­bisyon din na maging presidente, kaya mag-ingat din si BBM at baka gawin lang siyang rekado ng “loco moco” ang paboritong pagkain sa Hawaii. Mas malinamnam ang “Nasi Goreng” sa Indonesia—may Widodo pa na mukhang malinamnam, yahoooo!

BBM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with