^

Punto Mo

Mga ahensiyang todo diskarte noon, kinukuryente na ngayon!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGTAASAN ang kilay noon ng mamamayan sa pamunuan ng Procurement Service of Department of Budget and Management (PS-DBM), sa pagbili ng bilyones na halaga ng bakuna at diumano’y overpriced Personal Protective Equipment (PPE) mula sa China noong kasagsagan ng pandemya. Nagkibit balikat lang muna si Tekla! Bakeeet daw?

Nagmarakulyo kasi noon si Digong sa pag-uusisa ng Commission on Audit (COA), kaya pinagsabihan ang mga alipores nito na huwag pansinin ang COA at ipagpatuloy lang ang mga kuwestiyonableng mga gawain nang mga ito. Iba talaga si Duke Nakamura, heavy!

Binubusisi naman ngayon ng senado ang usapin sa overpriced laptop para sa DepEd na dumaan din sa pinagpalang kamay ng mga opisyales ng PS-DBM. Tila sumobra ang mga dunong na magpaliwanag kung papaano magiging tumpak ang kapalpakan. Sa administrasyon pa rin ni Digong nakaanino ito, di ba?

Naglulutangan na ngayon ang mga nangyaring iregularidad at matapang na inuusisa ng mga congressmen at senadores. Pero, bakit daw noong presidente pa si Digong ay mga mistulang bingi, bulag at manhid ang mga ito. Nabarakuhan ba sila ni Digong o baka naman nakinabang din sila sa ilang pagkakataon? Araguy!

Pinalugitan ni BBM ang tour of duties ng ilan sa mga appointees ni Digong maliban sa Cabinet Secretaries na dapat ay terminated na noong Hulyo 31, 2022. Kabilang ang ilan sa Sugar Regulatory Administration (SRA), na nagtangkang mag-import ng asukal na hindi pirmado ni BBM. Dapat pala, Sugar Industry Regulatory Administration (SIRA) ang pangalan n’yan! Mas bagay di ba?

Sinabi noon ni Digong na “weak president” si BBM, pero sa mga nangyayari, ang kahinaan na lumulutang ngayon ay mula sa mga gawain ng mga dating appointees nito. Aba, mahina nga si BBM kapag hindi naparusahan ang mga sangkot. Next na kaya ang PAGCOR at BOC? Wait lang!

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with