^

Punto Mo

2 palaka sa India, ikinasal upang lumakas ang ulan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG “kasalan” sa pagitan ng dalawang palaka ang ginanap sa Uttar Pradesh sa India sa paniwalang ito ay magdadala nang malakas na ulan.

Isang grupo ng mga residente sa bayan ng Gorakhpur ang nag-organisa ng kasalan ng dalawang palaka upang tumigil na ang tagtuyot at mapaaga ang pagdating ng tag-ulan.

Naganap ang kasalan sa Kalibari Temple at karamihan sa mga residente ng Gorakhpur ang dumalo. Nakinig ang lahat sa mga mantra at shlokas na inusal ng mga monghe na nagkasal sa dalawang palaka.

Sa panayam sa nag-organisa ng kasalan na si Ramakant Verma, sinabi nito na isang mabisang ritwal ang pagkakasal sa dalawang palaka upang matuwa ang rain god na si Lord Indra.

Ayon pa sa kanya, noong huling beses na nagkasal sila ng palaka, ilang taon ang nakalipas, sobrang lumakas ang buhos ng ulan noon kaya pinagdiborsiyo nila ang mga palaka.

 

RAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with