^

Punto Mo

BOC personnel, may piring ng salapi ang mga mata!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAHABANG panahon na ang pamamayagpag ng smugglers sa bansa pero walang maliwanag na solusyon na nailalatag sa Bureau of Customs (BOC). Nakagapos ang mga kamay at nakapiring ng salapi ang mga mata ng nasa BOC Assessment Division. “Tara” na at tanungin natin si Collector kung anong sabi ni Depcom na ipinagbilin ni Comm, he-he!

Hindi maaampat ang katiwalian sa BOC lalo na kung rekomendado ng mga pulitiko ang mangangasiwa sa transaksyones dito. O baka naman mismong si pulitiko ang smuggler. Entiendes?

Bago gumawa ng transaksyones ang importers, naghahanap muna sila ng paraan kung papaano makatitipid sa taxes at siyempre, mas makamandag kung senador o congressman ang ka-partner nila. O ‘di ba?

Talamak ang smuggling ng “ukay-ukay” na nakatago sa klasipikasyon ng general merchandise na daluyan ng masaganang “tara” o lagayan sa Assessment Division ng BOC. Malalakas ang loob ng mga examiner at appraisers na pumirma, dahil nakatimbre na raw sa boss nila ang modus ng mga kawatan. Totoo kaya ito Yogi?

Pinagpistahan noon ang paraan ng “warehousing transactions”. Dahil libre na ang tax sa bonded warehouses, madali pang mailusot ang mga bawal na kargamento mula sa mga country of origin na nasa “watchlist” ng BOC. Wala silang gagawin kundi gumawa ng pekeng re-exporting documents, at presto! Lusot na ang epektos ng mga kuwago. Nagpalit lang ng maskara ang mga hinduropot!

Inuusisa ni Sen. Raffy Tulfo ang talamak na smuggling ng langis pero kung walang kakayanan ang law enforcent group ng BOC dahil sa laot ng karagatan ginagawa ang pagdidiskarga ng langis, ang Philippine Coast Guard na raw ang bahala.

Bahala sa ano? Pakisagot nga Tekla, ha-ha-ha! 

Kung gugustuhin ng BOC ang “zero smuggling”, magagawa nila ito. Ang tanong, papaano kung nakabayad na ng “right of way” sa padrino nila ang mga kilabot? Sige ngaaa!

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with