^

Punto Mo

Importasyon ng asukal, anino ng trahedya ang dala!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAUNTOG at naindulto ang mga promotor sa importasyon ng asukal, kaya malamang na makalkal ang mga nakalipas na transaksiyon ng Sugar Regulatory Administration officials. Lagot!

Pirmado na ni Agriculture Usec at SRA Chief of Staff Leocadio S. Sebastian ang dokumento sa ibabaw ng pangalan ni Pres. Bongbong Marcos nang ito ay mabisto kaya agad pinigilan ng pangulo. Samakatuwid, hindi marahil alam ng pangulo ang mapanghimasok na ginawa ni Sebastian. Aba, puwede na rin niyang pirmahan ang termination paper nila ng mga kasama niya sa ibabaw ng pangalan ni PBBM kung ganun. O di ba? Sige na!

Kasama rin sa mga pumirma sa pag-angkat ng 300,000 metriko toneladang asukal sina Board Member Roland Beltran bilang Millers Representative at Acting Board Member Aurelio Gerardo Valderama bilang Planters Representative. Adios hijo de ganancia, kanugon kaayo!

Kung ang sugar planters at millers representatives ay kakutsaba sa importasyon ng asukal, walang proteksyon at silbi ang mga ito sa industriya na umaasa sa kanilang representasyon. Kung may kaparte naman ang grupo ng sugar planters sa kikitain sa importasyon, aba kumplikado yan sa interes ng kalakalan at manggagawa sa industriya ng asukal. Katrayduran ang ganyan!

Taong 1974 nang magsimulang masalanta ang sugar industry ng Pilipinas dahil sa pagbasura ng sugar quota importation ng U.S. sa produkto nating asukal. Bumagsak ang presyo ng asukal at maraming sugar planters ang namulubi.

Libo ang bilang ng manggagawang nawalan ng trabaho at nagkagutom sa Negros Island noon. Isinisi nila sa gobyerno ang pagbagsak ng sugar industry gayung ang pagbasura ng U.S. sa sugar quota natin ang talagang dahilan. Sinamantala ito ng mga makakaliwang propagandista kaya maraming nakumbinsi na sumapi sa NPA. Hindi talaga kakayanin ni PBBM na magaya ang administrasyon niya sa panahon ng tatay niya. Kaya maingat ang mama, di ba?

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with