^

Punto Mo

Napolcom at PNP, may tampuhan sa revamp!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGTATAMPO si Interior Sec. Benhur Abalos dahil na-bypass siya ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin Jr. sa ginawa niyang revamp ng third level officers ng PNP. Dahil binulag siya, umalma si Abalos, na siya ring chairman ng Napolcom, sabay diin kay Azurin na, ayon sa batas, ang pagbalewala niya sa mandato ng ahensiya “is considered a breach of the existing policies ang procedures of the matter.”

Umaabot sa 80 opisyales ng PNP ang apektado ng revamp ni Azurin subalit hindi man lang kinunsulta si Abalos at ang Napolcom commissioners.  Malinaw kasi sa mandato ng Napolcom mga kosa na ang PNP ay nasa ilalim ng kanilang administrative control at operational supervision. Para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa revamp, naglabas ng dalawang pahinang Resolution No. 2022-473 ang Napolcom kung saan iginiit ng ahensiya ang pag-establish ng rational, fair, at transparent placement at promotion system using merit ang fitness as the primary consideration, among others.

Ang resolution ay pinirmahan nina Abalos at Commissioners Alberto Bernardo, Edilberto Leonardo, Beatrice Aurora Vega-Cancio, Ricardo Bernabe lll at Lt. Gen. Vicente Danao Jr., bilang PNP representative. Attested at certified ito ni Myrna de Persia-Medina. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hindi maganda ang simula ng liderato ni Azurin at si Abalos at Napolcom pa ang kinatalo. Mismooooo! Anong say n’yo mga kosa? 

Nakasaad kasi sa Section 6, paragraph (3) ng batas na ang assignment ng mga opisyales sa Directorial Staff, o hepe at district directors ng NCRPO, directors ng National Support Units at iba pang third level offices ay isumite muna sa Napolcom para confirmation bago basbasan ni President Bongbong Marcos Jr. Ang Napolcom ay may 30 days para i-confirm ito at kapag nag lapse na ang deadline ang ibig sabihin ay approved ito.

Hindi naman pinarusahan ng Napolcom si Azurin subalit nagtatag sila ng panel para interbyuhin ang lahat ng PNP officers slated for promotions para alamin ang kanilang qualifications, competence at integrity. Mismooooo! Hak hak hak! Goodbye na lang sa palakasan system! Dipugaaaaa!

Nirespeto naman ni Azurin ang Napolcom resolution. Aniya, ginabayan siya ng kasunduan ng yumaong Napolcom Vice chairman Rogelio Casurao na ilabas muna ang dokumento ng promotions bago isubmit ito sa Napolcom para mapabilis ang proceso ng revamp. Ginagawa raw ng PNP ang ganitong sistema mula pa noong 2016.

Ang ipinagtataka ng mga Marites ay kung bakit na-honor pa ni Azurin ang verbal instruction ni Casurao eh debdol na nga. Mismooooo! Hak hak hak! Dapat ang mga buhay na Napolcom officials ang kinausap ni Azurin para magkaintidihan sila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Balak ni Azurin na kausapin ang mga Napolcom officials para tuldukan na ang isyu na sa tingin ko ay produkto lang ng miscommunication. Abangan!

NAPOLCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with