^

Punto Mo

Illegal drugs at heinous crimes

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA mga nakalipas na linggo, sa mga isinagawang drug ­operations ng mga awtoridad, daang milyon kundi man ­umabot pa sa bilyong halaga ng mga illegal na droga ang nasabat.

Larawan na naman ito na mukhang aktibo at nandyan na naman ang mga sindikato ng droga sa bansa.

Kaliwa’t kanan ang bultong bentahan, na ito ang talagang muling nakakaalarma.

Kasabay naman nito,  marami na naman ang naitatalang mga karumal-dumal na krimen na posibleng may konek sa paggamit ng illegal na droga na dapat mabigyan ng pansin ng mga kinauukulan.

Kamakailan lamang, isang 15-anyos na dalagitang biker ang natagpuang patay sa madamong lugar sa Brgy. Bonga Menor sa Bustos, Bulacan. 

Binigti at nagtamo pa ng mga paso ng sigarilyo sa katawan ang biktima. Inaalam pa sa eksaminasyon kung ginahasa ang biktima.

Sa isang insidente rin sa bayan ng Pila sa Laguna, isa namang 7-anyos na paslit ang sinasabing isinako ng rapist na isa ring menor-de-edad.

May mga pasa at sugat sa katawan ang paslit, na pinaniwalaang matinding kalbaryo ang dinanas sa kamay ng nadakip na suspect.

Hinihinalang ang mga suspect sa ganitong mga klaseng krimen ay sinasabing maaaring nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

Sa Lunes nakatakdang magbukas ang klase, may ilang paaralan ang magsasagawa na ng face-to-face classes, dito nanawagan ang maraming mga magulang sa ating kapulisan na sana ay maipatupad nila ang mahigpit na seguridad para sa kanilang anak pihadong babalik na rin sa mga lansangan ang mga kriminal at kawatan.

 

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with