^

Punto Mo

Babae sa China, nag-resign sa trabaho dahil 1 lang sa 70 kaopisina ang dumalo sa kanyang kasal!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa China ang nag-resign sa kanyang pinagtatrabahuhan ng limang taon dahil hindi dumalo sa kanyang kasal ang karamihan sa mga kaopisina.

Pinag-uusapan ng mga Chinese netizens kamakailan ang social media post ng isang office worker sa China. Mababasa sa Weibo post ng hindi pinangalanang babae, nagrereklamo ito na napahiya siya sa sarili niyang kasal dahil sa 70 na kaopisina na inimbitahan niya, 1 lang ang dumalo rito.

Ayon pa sa babae, masama ang loob niya dahil sa lahat ng nagpakasal sa kanilang opisina, dinaluhan niya ito bilang respeto sa pag-imbita sa kanya. Naiinis din siya na nagdagdag siya ng table sa reception ng kanyang kasal para i-accommodate lahat ng kanyang kaopisina pero ang tanging dumalo lamang ay ang kanyang apprentice.

Dahil napahiya siya sa harap ng pamilya ng kanyang groom, nagdesisyon ang babae na magbigay ng resignation letter pagkatapos ng kanyang wedding day. Ayon sa kanya, hindi niya kakayanin na makatrabaho pa ang mga taong nagbigay kahihiyan sa kanya sa araw ng kanyang kasal.

Naging viral sa China ang kuwentong ito at hati ang opinyon ng mga netizens tungkol dito. Ang iba ay sumasang-ayon na dapat ay mag-resign na lang siya sa trabaho at ang ilan naman ay tinutuligsa ang babae dahil masyado niyang tinaasan ang expectation sa kanyang mga kaopisina samantalang hindi naman niya ito mga kamag-anak para mag-abala at dumalo sa kanyang kasal.

 

WEDDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with