^

Punto Mo

Puwede bang magdemanda para sa kapakanan ng iba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede bang ako ang magdemanda sa taong may utang sa kaibigan ko? May utang rin kasi sa akin ang kaibigang tinutukoy ko pero hindi raw niya mababayaran ang utang niya sa akin kung hindi niya ­masingil ang may utang sa kanya. Wala naman siyang pera para magsampa ng kaso at kumuha ng abogado kaya iniisip ko kung maari bang ako na lang ang maningil sa korte sa taong may utang sa kanya.— Charlene

Dear Charlene,

Nakasaad sa ating Rules of Court na sa ngalan dapat ng “real party in interest” isinasampa ang isang kaso. Ang real party in interest ay ang siyang makikinabang o mapeperwisyo sa kung ano man ang maging kahihinatnan ng isang kaso. Dahil hindi naman ikaw at sa halip ay ang kaibigan mo ang may pinagkakautangan at ang siyang direktang makikinabang kung sakaling pagbayarin ang taong may utang, mababasura lang ang kaso kung ikaw ang magsasampa ng kaso.

Kung pursigido ka talagang ikaw ang magdemanda para sa iyong kaibigan, ang isang posibleng paraan na nakikita ko ay pagbuo n’yo ng kaibigan mo ng isang kasunduan kung saan ipapasa niya sa iyo ang utang sa kanya bilang bahagi o buong kabayaran niya sa utang niya sa iyo. Sa ganitong pagkakataon, ikaw na ang tatayo sa posisyon niya bilang real party in interest kaya ikaw na ang may karapatan na maghabol sa taong may utang sa kanya.

Isa lamang ito sa mga posibleng paraan upang magkaroon ka ng karapatan na maghabol sa taong may utang sa kaibigan mo. Mas mabuting kumuha ka na ng personal mong abogado na siyang magsusulat at magpaplantsa sa kasunduan n’yo ng iyong kaibigan. Mahalaga ito lalo na kung malaking halaga ang pinag-uusapan dahil nakakapanghinayang kung magbabayad ka nang malaking filing fee sa korte ngunit agarang mababasura lamang ang kaso dahil lumalabas na hindi ka pala isang real party in interest.

CASE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with