^

Punto Mo

Ginger (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘MA, p-parang h-hindi n-na ako t-tatagal. N-nahihirapan na ako,’’ sabi ni Ginger. Payat na payat pa rin si Ginger at nanghihina.

“Huwag kang magsalita ng ganyan, Ginger. Gagaling ka. Manalig ka sa Diyos.’’

“P-arang w-wala na akong k-kalakas-lakas, M-Mama!’’

‘‘Maniwala kang gagaling. Maniwala ka Ginger.’’

“W-wala p-pa si Anton, ‘Ma?’’

“Wala pa.’’

Napakagat-labi si Ginger nang malaman na wala pa si Anton.

“Mula nang umalis siya patungong probinsiya para kumunsulta sa magaling na albularyo, hindi pa siya nagpapakita hanggang ngayon. Ni tawag o text ay wala.’’

“N-nasaan n-na kaya s-si Anton? A-ano kaya ang n-nangyari sa k-kanya?’’

Hindi na sumagot ang mama ni Ginger. Wala naman siyang masasabi dahil hindi niya alam kung nasaan si Anton.

Baka hindi na natupad ni Anton ang pangako?

Baka malaking pasanin lamang sa kanya si Ginger.

Hanggang sa marinig niya ang pag-iyak ni Ginger.

‘‘Bakit ka umiiyak Ginger?’’

‘‘’M-Ma p-parang h-hindi na ako tatagal. P-parang mawawala na yata ako…”

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with