^

Punto Mo

Pilipinas, mamimiligro sa giyera ng China at Taiwan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAHABANG salaysayin ang nakapaloob sa istorya ng Taiwan na noo’y tinatawag na Formosa sa ilalim ng kolonya ng Japan mula 1895 at ibinalik sa China noong 1945. Naging masalimuot ang usapin sa pagsasarili ng Taiwan mula nang pamunuan sila ni Pres. Tsai Ing Weng na nanindigan na hindi sila magpapasakop pa muli sa China. 

Bagama’t halos taynga lamang ang laki ng Taiwan sa mapa ng China, naging maunlad na bansa at ngayon ay isa sa may pinakamalawak na produksyon sa electronic industry sa buong mundo.

Nag-aalburuto ang China at kumikilos ito sa pananakop sa Taiwan, katulad ng ginawa ng Russia sa Ukraine. Nagmamatigas naman si Pres. Tsai Ing Weng, at katulad ng Hong Kong, nakapagbukas na ito ng trade and foreign relations sa mara­ming bansa at ayaw nang magpasakop sa China.

Malaking intriga ang pagbisita ni U.S. House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan dahil tatayong pader ang U.S. sa likod ng Taiwan. Mariin ang pagbabanta ng China sa maaring mangyari sa susunod na mga araw. Nakupo!

Kung magkakaroon ng armadong komprontasyon sa karagatan at himpapawid ng China at Taiwan, hindi malayong madaplisan ang Pilipinas dahil napakalapit natin sa kanila. Magsasawalang kibo na lang kaya tayo?

Kung magkukubli sa isang isla natin ang mga rerespondeng kaalyadong barko de giyera laban sa China, aba’y malamang na magliparan ang mga bomba ng magkakalaban sa himpapawid natin. Anong gagawin natin, mag-uusyoso na lang ba tayo tulad ng EDSA revolution? Andaming Intsik dito, baka mga sundalo na ang iba!

Mahaharap sa isang kumplikadong sitwasyon ang Pilipinas kapag nagkataon at baka mawalan ng saysay ang magagandang plano ni Pres. Bongbong Marcos. Nakakatakot na ang mga nagaganap!

WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with