^

Punto Mo

Raymart at Jodi, magsasama sa Amerika!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Raymart at Jodi, magsasama sa Amerika!
Jodi at Raymart.

BEVERLY HILLS, CA. -- Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil sa September 23 na pala ang kick-off show ng FPJ’s Ang Probinsyano: Pasasalamat Tour sa Amerika, huh!

Sa Central Church sa may Enderson ang ­venue at isa sa mga producer no’n ay si Ms. Nathaly Rosalie ng Lux Entertainment.

Napansin ko lang na bukod kay Coco Martin, sa isang poster ay nakalagay ang mga pangalan nina Raymart Santiago, Jodi Sta. Maria Shaina Magdayao, Smuglass & Basilio.

Bongga dahil magkakasama sina Raymart at Jodi sa Amerika, huh!

Hindi na naman lihim ang relasyon nila, kaya walang masama kung kasama man si Jodi sa FPJ’s Pasasalamat Tour sa Amerika… ‘noh?! 

I’m sure, matutuwa ang mga fan na magkasama ang mag-sweethearts sa tour na ‘yon.

Teka! Bakit kaya hindi pa isinama si Julia Montes na obvious naman na karelasyon ni Coco?

Well...

Oo nga pala, ang ibang shows ng grupo ni Coco ay September at ang iba naman ay October, kaya medyo matagal din pala sila sa Amerika.

Anyway, maraming regular viewers ng FPJ’s Ang Probinsyano rito sa Los Angeles County na nakatsikahan namin na sobrang sad na hindi na nila makakasama si Cardo Dalisay sa TFC (The Filipino Channel).

May iba na humihiling ng book two ng nasabing action-drama series.

Bongga!

Star Magic artists, may dinner sa ‘Hollywood connections’

Ang bongga lang din ng third and last show ng Star Magic artists para sa kanilang Beyond The Stars US tour na ginanap sa Saban Theater sa lungsod na ito.

Aba, maraming nanood no’n at enjoy naman ang show.

Siyempre, ang lakas ng hiyawan at palakpakan para sa DonBelle love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pero halos hindi naman nagpahuli sa lakas din sa mga fan ng KDLex love team nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Kung malakas ang dating ni Donny sa mga fan, aba, hindi rin naman patatalbog si KD na sobrang talented, huh!

 May narinig kaming chika na may pa-dinner daw ang Star Magic sa Yamashiro Hollywood para sa kanilang mga artist at invited daw roon ang ilang may connections sa Hollywood.

‘Yan ang nasagap namin mula sa isang source at kung true ‘yon, aba, ang sosyal, huh!

JODI STA. MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with