^

Punto Mo

EDITORYAL - Delikadesa

Pang-masa
EDITORYAL - Delikadesa

KASTIGUHIN ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Sugar Regulatory Administration (SRA). O kung may delikadesa ang mga sangkot ng SRA officials sa importasyon ng asukal, dapat silang magbitiw sa puwesto.

Nagsimula ang kontrobersiya nang lagdaan ni Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang Sugar Order No. 4 na nag-i-import ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal sa kabila na walang pahintulot ni Pres. Ferdinand Marcos, na kasalukuyang Agriculture secretary. Kabilang din sa mga lumagda sina SRA administrator and vice chairman Herminigildo Serafica at SRA members Roland Beltran at Gerardo Valderrama Jr. Nagbitiw na si Sebastian noong Biyernes.

Noong nakaraang Hulyo 29, 2022, nagkaroon ng konsultasyon ang SRA sa sugar planters, millers, refiners at traders tungkol sa isasagawang importasyon ng asukal at iba pang detalye sa import program. Sinabi ni Serafica na walang ibang paraan kundi ang mag-import ng asukal para malutas ang problema sa kakulangan ng asukal.

Subalit ang planong pag-import ay ni-reject ni President Marcos. Walang ibinigay na dahilan ang presidente kung bakit ni-reject ang planong importasyon. Subalit lumalabas na tutol talaga ang presidente sa importasyon hindi lamang ng asukal kundi sa iba pang agri products.

Noong Hulyo, makaraan ang kanyang inagu­rasyon at ginampanan ang tungkulin bilang Agriculture secretary, tutol na ang presidente sa importasyon. Ayaw niyang mag-import sapagkat ang gusto niya ay maparami ang pagkain. Sapat na pagkain ang kailangan. Nakapagtataka naman ang aksiyon ng mga lumagda sa SO4 na pinangunahan ang presidente sa pag-import ng asukal. Bakit gustung-gusto nilang mag-import at hindi sinangguni ang presidente ukol dito.

Ginawa rin ang balak na pag-iimport sa panahong nag-aani na ng tubo (sugarcane). Anong nangyayari sa mga pinuno ng SRA na maraming inaaning tubo pero gusto pang mag-import? Gusto ba nilang mamatay ang industriya ng asukal sa bansa? Paano makakabawi ang mga lokal sugarcane farmers kung dadagsa ang asukal sa merkado.

Kung may natitira pang delikadesa ang mga sangkot na SRA officials, dapat lisanin na nila ang puwesto. Hindi sila dapat magtagal sa posisyon.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with