^

Punto Mo

‘Wag tantanan ang scammers!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto na naman tayo, muling magpapaalala sa lumalaganap na mga modus o scammer.

Matindi na talaga ang mga ito, nakukuha na nila ang mga personal information n’yo, mula sa buong pangalan, telephone number at pati tirahan.

Eto ngayon ang dapat malaman ng publiko, ang modus ng grupong ito eh tawagan ang nakuhang number mo. Kapag sinagot mo, umpisa na ang kanilang masamang balak.

Kung dati eh text lang ang mga scammer, ngayon talagang kakausapin ka ng na -train nilang magaling na mangumbinsi. Ito ay para lumabas na legit ang sinasabi nila.

Unang atake, papapaniwalain ka na nanalo sa kung anong raffle, kahit wala ka namang sinalihan.

Pamimiliin ka pa kunwari ng gadgets na gusto mong makuha sa mga prize na sinasabi nila, kapag medyo nasilaw ka sa alok mapapakiramdaman nila na interesado ka. Tuloy ang negosasyon.

Kunwari pwedeng kunin sa kanilang opisina na hindi naman talaga ibibigay sa yo ang tamang address, pero mag-aalok din sila sa yo ng ibang option, ang delivery na babayaran mo na lang eh delivery fee.

Kahit ka pa magduda, once na kinausap mo sila at kahit wala kayong napagkasunduan aba’y idedeliber na yan sa yong tirahan na kanila ring nakuha.

Eto na modus na ‘yan, kung wala ka rin naman inaasahang delivery o inorder mo, ‘wag mong tanggapin at magbayad ng delivery fee.

Return to sender na lang ‘yan, para mabigo ang mga scammer.

Subukan mong tawagan uli ang number nila, malamang naka-block ka na dahil alam nilang nabuko mo sila.

Hindi pa rin talaga pumapatas ng laban sa buhay ang mga scammer na ito. Mas gusto makapanloko ng kapwa kaysa, maghanap ng maayos na pagkakakitaan na hindi mandodorobo sa iba.

Eto na ang babala sa inyo, itigil nyo na yan dahil target na kayo ng operasyon ng mga tauhan ng PNP at maging ng NBI.

Pasasaan ba at matitimbog din kayo.

Sinisimulan na kayong i-operate ng mga awtoridad at kahit saang lungga man kayo magtago, pihadong matutunton kayo.

SCAMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with