^

Punto Mo

Umiwas sa mga nag-aalok ng ‘no appearance, no hearing’ annulment            

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Isa po akong OFW na na­ni­rahan na sa ibang bansa. Gusto ko po sanang ipawalang-bisa na ang kasal ko sa aking asawa. May nakapagsabi po sa akin na may kakilala raw siyang maru-nong mag-ayos ng annulment. Tinanong ko kung okey lang ba na nasa ibang bansa ako at ang sagot sa akin ay no appearance at no hearing naman daw ang magiging proseso at ang kakilala na lang daw niya ang mag-aayos ng lahat. Tama po ba ang sabi sa akin? Salamat po. —Myra

Dear Myra,

Hindi puwedeng hindi humarap sa korte ang petitioner na siyang humihiling ng annulment sa korte. Haharap at haharap sa korte ang nag-file ng kaso sa ayaw niya o sa hindi dahil maaring maging dahilan para ma-dismiss ang kaso ang hindi niya pagdalo sa hearing.

Sa pre-trial na bahagi pa lang ng kaso ay kailangan nang magpakita ang nag-file ng petition. Kakailanganin din ang pagharap sa korte ng petitioner kapag ipipresenta na ang kanyang salaysay o testimony bilang witness sa kaso. Kahit pa sa mga pagkakataon na hindi humadlang ang kabilang partido sa annulment ay kakailanganin pa rin ng petitioner na humarap sa fiscal upang mapatunayan na walang collusion o kutsabahan sa kanilang mag-asawa.

Umiwas ka na lang sa mga ganyang nag-aalok ng pag-aasikaso ng annulment dahil kahit pa na mabigyan ka nila ng CENOMAR (Certificate of No Marriage) ay hindi ka pa rin magiging kampante kung napawalang-bisa na ba talaga ang iyong kasal. Ang CENOMAR kasi na iyon ay malamang na base lamang sa pinekeng desisyon ng korte dahil nga hindi posibleng umandar ang kaso ng hindi humaharap sa husgado ang humihiling ng annulment o hiwalayan.     

Sa huli ay baka magsayang ka lang ng daang-libong piso na ibabayad mo sa mga nag-aalok ng non-appearance annulment na iyan. Ang masama, kung sakaling mabisto ng mga kinauukulan na bogus ang pagpapawalang-bisa ng kasal ay mahirap nang magsampa muli ng panibagong petisyon dahil maari nang magduda ang korte sa petitioner at sa mga sasabihin niyang basehan ng kanyang hiling na annulment.

ANNULMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with