^

Punto Mo

Ginger (118)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HUWAG mong kalilimutan ang bato sa supot at ang orasyon, Anton. Lagi mong pakainin ng dasal para maproteksiyunan ka at iyong mga kasama,’’ pahabol na bilin ni Tandang Nado nang nakasakay na ang dalawa sa traysikel.

“Hindi ko po kalilimutan, Tandang Nado. Dadalawin ka uli namin ni Mulong sa hinaharap.’’

“Hihintayin ko kayo. Salamat sa regalo mo sa akin, Anton.’’

“Wala pong anuman.’’

“Pagdating mo sa Maynila, gawin mo agad ang bilin ko para gumaling si Ginger.’’

“Opo. Salamat po, Tandang Nado.’’

“Sige umalis na kayo.’’

Umalis na ang dalawa.

Lumingon pa si Anton kay Tandang Nado nang pababa na sila sa bundok. Nakatanaw pa rin sa kanila ang matanda at inihahatid sila ng tingin.

Nagpatuloy sila sa pagbibiyahe. Mataas na ang araw. Maaliwalas ang kalangitan. Sila lamang ang tumatakbo sa makitid na kalsada.

Maya-maya, nagsalita si Mulong.

“Malapit na tayo sa Itim na Tulay, Sir Anton.’’

“Huwag kang matakot Mulong. Wala nang gagalaw sa atin. Matatakot ang anumang maligno dahil sa dala kong bato.’’

‘‘Wala nang haharang sa atin, Sir Anton?’’

‘‘Wala na! Maamong tupa na sila pagdaan natin.’’

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with