^

Punto Mo

Number coding, arangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayon na ang simula sa pagpapairal muli sa number coding sa National Capital Region (NCR).

Paghahanda ito para naman sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Mula ngayon hanggang Miyerkules ay paaalalahanan lang muna ng mga awtoridad ang mga mahuhuling lumalabag, pero pagdating ng  Aug. 18, doon na pasisimulan ang panghuhuli at pag-iisyu ng traffic violation tickets sa mga  lumalabag.

Layon nito na mabawasan ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan na nasusumpungan nga na lubhang tumataas na ang bilang.

Ito ay sa kabila ng patuloy na banta pa ng COVID-19.

Paalala lang po, iiral ang number coding scheme na magsisimula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at magbabalik alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi kapag weekdays maliban sa holidays.

Layon nga nito na maisaayos ang mga lansangan sa pagdagsa ng mga mag-aaral sa susunod na linggo sa pagbubukas ng klase.

Sasabay pa rito ang pagbubukas ng mas marami pang ruta kaya marami na sa mga pampublikong sasakyan ang masusumpungan sa lansangan.

Bago ang pandemya ng COVID-19, ang average na bilang ng mga sasakyang bumibiyahe partikular sa EDSA kada araw ay umaabot sa 405,000.

Sa pinakahuling bilang ng dami ng sasakyan  noong Agosto 4 kung saan tinatayang 387,000 sasakyan ang dumaan sa EDSA. Ang volume ay inaasahang tataas sa 436,000 o mas mataas kaysa sa pre-pandemic level.

Kaya nga ‘good luck’ na muli sa ating mga kababayan na ang kahaharapin malamang eh ang kalbaryo sa lansangan.

Exempted sa number coding ay ang mga  public utility vehicles kasama rito ang tricycles, transport network vehicle services (TNVS), motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, marked government vehicles, fire trucks, ambulansiya, marked media vehicles, at mga sasakyang may lulang essential  at mga perishable goods.

Eto pa rin ang tandaan, kapag tumataas ang volume ng sasakyan sa lansangan na nagiging sanhi ng matinding pagka-trapik, Kapag matindi ang trapik marami ang umiit angulo.

Dyan na nagsisimula ang mga iringan at komna madalas na mauwi sa hindi magandang pangyayari.

Iyan ang dapat na maiwasan.

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with