^

Punto Mo

Ginger (117)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ALANGANIN si Anton nang magtanong kay Tandang Nado.

“Magkano po ang babayaran ko sa iyo, Tandang Nado?’’

“Babayaran? Wala kang babayaran, Anton.’’

“Sa bato po at sa ginawa mong orasypn.’’

“Wala kang babayaran. Ipinagkaloob sa akin ng Diyos nang walang bayad ang talino sa panggagamot kaya bakit ako magpapaba-yad?’’

Humanga si Anton sa matanda.

Ganunman, dinukot pa rin ni Anton ang sobre na may cash sa kanyang bulsa at iniabot kay Tandang Nado.

“Hindi po ito bayad kundi regalo ko sa iyo, Tandang Nado. Kaila-ngan mo po ito at mga biglaang pangangaila-ngan.’’

Tinanggap ni Tandang Nado.

“Ang kapal naman nito Anton. Baka naman P50,000 ito ha-ha-ha!’’

Nagtawa lang si Anton.

“Aalis na po kami Tandang Nado.’’

“Kumain muna kayo. Magluluto ako ng adobong dumalagang labuyo-- adobo sa gata. Para matikman mo ang labuyo. Napakasarap. Maglalaga rin ako ng tugi. Itong tugi ang nagbibigay sa akin ng lakas at nagpapabata sa akin.’’

‘‘Talaga po? Sige po, Tandang Nado, mukhang masarap ang sinasabi mo, Naglalaway na ako.’’

“Sige maghintay lang kayo at magluluto lang ako.’’

Nagluto si Tandang Nado.

Makaraan ang isang oras, nakaluto na siya.

Naghain siya at saka tinawag sina Anton at Mulong. Kumain sila.

“Ang sarap nga ng dumalagang labuyo!’’

Pagkatapos kumain, nagpaalam na sina Anton at Mulong kay Tandang Nado.

‘‘Mag-ingat kayo sa dadaanan,’’ payo ni Tandang Nado.

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with