^

Punto Mo

Inahing manok sa U.K., nangitlog ng hugis bilog na itlog!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AYON sa mga eksperto, isang pambihirang pagkakataon na mangitlog ang manok ng hugis bilog na itlog. May pag-aaral na sa bawat isang bil­yon na itlog, isa lamang dito ang maaaring maging hugis bilog.

Kaya nagulat na lang si Annabel Mulcahy, isang ginang sa West Oxfordshire nang malaman niya na nangitlog ng hugis bilog ang kanyang rescue hen na si Twinskie. Dahil “perfectly round” ang itlog, hindi agad siya nakapaniwala sa nakita at nag-Google search muna siya tungkol dito.

Sa tulong ng internet, nalaman ni Annabel na “one in a billion” ang bilog na itlog ni Twinskie. Sa panayam kay Annabel kung saan tinanong siya kung anong balak niyang gawin sa itlog, sinabi nito na ibebenta niya ito online.

Upang ipakita sa mga potential online buyers na “perfectly round” ang itlog, kinuhanan niya ito ng litrato kasama ang dalawang normal na itlog. Sa kasalukuyan umabot na sa 480 Sterling Pounds ang offer na natanggap ni Annabel para sa itlog.

Ayon kay Annabel, gagamitin niya sa pagpapalawak ng kanyang poultry ang perang mapagbebentahan ng bilog na itlog.

CHICKEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with