^

Punto Mo

Ginger (116)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GUSTO nang bitiwan ni Anton ang hawak na bato sapagkat mainit na mainit na! Subalit kakayanin niya. Susundin niya ang utos ni Tandang Nado na huwag bibitiwan ang bato.

Kailangang hawakan niya anuman ang mangyari. Makakaya niya ang lahat alang-alang kay Ginger. Kaya niyang tiisin ang lahat alang-alang sa babaing minamahal. Kailangang tiisin niya para mapagaling si Ginger.

Hanggang sa tila mawalan na siya ng ulirat sa tindi ng init ng bato sa kanyang pa-lad. Ganunman, lalo niyang hinigpitan ang paghawak. Hindi siya susuko! Wala sa kanyang bokabularyo ang pagsuko sa anumang hamon.

Hanggang sa magsalita si Tandang Nado: “Nagtagumpay ka Anton! Binabati kita!’’

Pagkatapos ay ibinuka ni Tandang Nado ang palad ni Anton at kinuha ang bato. Isinilid sa itim na supot.

Hindi naman makapaniwala si Anton sapagkat walang paso ang kanyang palad. Mainit na mainit ang bato subalit walang nangyari sa kanyang palad.

‘‘Walang paso ang palad ko Tandang Nado !’’

‘‘Dahil kahanga-ha-nga ang determinasyon mo Anton. Kakaiba ka. Talagang mahal mo si Ginger.’’

‘‘Maari na pong gamitin ito Tandang Nado?’’

“Oo.;;

“Salamat po.’’

“Ingatan mo itong mabuti.’’

“Opo.’’

“Nasa loob ng supot   ang orasyon.’’

“Salamat po nang ma-rami.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with