^

Punto Mo

EDITORYAL - Laptops na ubod nang mahal

Pang-masa
EDITORYAL - Laptops na ubod nang mahal

NASA limelight na naman ang Procurement Service of the Department of Budget and Ma-nagement (PS-DBM) dahil sa mamahaling laptop na kanilang binili para sa Department of Education (DepEd). Bumili ang PS-DBM ng P2.4 bilyong halaga ng laptops noong nakaraang taon. Bawat laptop ay nagkakahalaga ng P58,300. Hindi makapaniwala ang Commission on Audit (COA) sa sobrang mahal na laptop at natuklasan din na outdated na ang processors, mabagal mag-download, mahina ang graphics processing units at hindi uubra para sa online learning.

Nabatid ng COA na ang laptop ay nagkakahalaga lamang ng P35,046.50 bawat isa at hindi P58,300. Nakakalula ang laki ng deperensiya ng laptop na binili ng PS-DBM. Masyadong malaki ang patong sa original na presyo.

Agad namang dumistansiya ang DepEd sa PS-DBM at tinuro na ito ang bumili sa mga laptop at hindi ang kagawaran. Ang PS-DBM umano ang dapat magpali-wanag at hindi ang DepEd. Ayon pa sa DepEd. Tumanggap lamang sila at hindi sangkot sa pagbili ng laptop.

Sa nakaraang Duterte administration naging kontrobersiyal na rin ang PS-DBM dahil sa P42-billion procurement ng personal protective equipments (PPEs) na ang nakakuha ng kontrata ay ang Pharmally Pharmaceutical Corp. sa kabila na ang capital ng kompanya ay P625,000 lamang. Nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado subalit nawalan din ng saysay sapagkat ang mga opisyal ng Pharmally ay nakalaya na rin. Maaaring nakalabas na ng bansa ang mga sangkot sa bilyong kontrata at nawala nang parang bula. Naglaho na rin ang pera ng bayan.

Sa panibagong eskandalo ng mamahaling laptops, nararapat magkaroon ng inquiry ukol dito para mahalungkat ang katotohanan sa likod ng “pricey laptops”. Pera ng taumbayan ang ipinambayad sa mga gamit na ito kaya dapat lamang mabusisi.

Sabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel Jr. magsasagawa ng imbestigasyon ang kanyang komite ukol sa kontrobersiyal na laptops. Ipatatawag umano ang lahat ng sangkot.

Sana naman, mayroon nang mangyari sa gagawing imbestigasyon ng Senado at hindi matulad sa mga nakaraang pag-iimbestiga na wala ring kinahinatnan. Ang mga opisyal ng PS-DBM ay nakalaya na ganundin ang sa Pharmally.

Pera ng taumbayan ang sangkot sa pagbili ng mga laptops na outdated at sana mayroon nang maparu-sahan. Hindi na dapat palampasin ang mga nangyaya-ring ito paulit-ulit lang. Kung walang mapananagot sa bagong “anomalyang” ito, maaring mangyari uli at posibleng malaki pa ang halagang sangkot. Hindi dapat balewalain ang kontrobersiyang ito na ang PS-DBM na naman ang nagsimula. Dapat lusawin na ang Procurement Service para matapos na ang lahat.

LAPTOP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with