^

Punto Mo

Balik na sa normal, balik na rin ang trapik!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pabalik na nga  sa normal ang sitwasyon sa bansa kahit pa nga may pagtaas pa rin sa kaso ng COVID-19, kasi balik na rin ang trapik.

Kasi nga wala nang makakapigil, tuloy ang pagbubukas ng klase sa darating na Aug. 22.

Nagbukas na rin ng may 100 mga dating ruta ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampublikong sasakyan.

Dahil dito, ayon nga sa isang transport group, nasa 55,000 na pampasaherong jeepney ang magbabalik-biyahe na rin.

Ngayon pa lang ramdam na ang pagdami ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan partikular sa Metro Manila.

Inaasahang mas tataas pa ang volume kapag nagbukas na ang klase lalo sa buwan ng Nob-yembre kung saan ipapatupad na ang full face-to-face classes.

Kaya nagpasya na ang Metro Manila Council (MMC) na ibalik na rin ang expanded number coding sa darating na Aug. 15, isang linggo bago ang pagbubukas ng klase.

Magsisimula ang coding ng 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi kapag weekdays maliban sa holidays.

Inaasahang magpapababa ito sa volume ng traffic sa 20 porsiyento lalo na sa peak hours sa kahabaan ng EDSA.

Mahigit sa 400K ang inaasahang volume ng sasakyan sa nakatakdang pagbubukas ng klase.

Ngayon pa lang maghanda na muli sa kalbaryong masasagupa sa lansangan sa mga dara-ting na araw.

Gayunman, ibig lang sabihin nito, na mukhang nalampasan na ang bangungot ng pandemya na nakaapekto sa kabuhayan ng marami.

Hindi na bale na masagupa ang traffic, ‘wag lang yung maluwag nga ang lansangan wala namang napagkakakitaan.

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with