^

Punto Mo

Stradcom, pinipilit ibalik na LTO IT service provider!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PINIPILIT talaga ni Land Transportation Office chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz na ibalik ang serbisyo ng Stradcom sa pangangasiwa ng license data base IT na itinaas ng kilay ng mga motorista. Mukhang malagkit ang relasyon nina Guadiz at Stradcom president Anthony Quiambao ah? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung sabagay, dati nang Stradcom ang may hawak ng IT services ng LTO subalit nawala sila sa poder noong 1998 dahil sa nagkalat na reklamo. Sa Regional Director’s Conference noong Agosto 5, nagpresenta ng plano si Quiambao kung paano nila mapapantayan ang trabaho ng Dermalog Identification System, na kinuha ng LTO para i-roll out ang P8.2 bilyon na Land Transportation Management System (LTMS) na hinihintay ng mga motorista. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Dapat siguro magkaroon ng congressional investigation dito sa plano ni Guadiz para magkaliwanagan kung bakit nais niyang tsugiin ang Dermalog para makapasok ang Stradcom. Mismooooo!

Sa naturang conference, inanunsiyo rin ni Guadiz ang pagbabalik ng serbisyo ng Stradcom. Ang ipinagtataka lang ng mga kosa ko, kung bakit andun si Quiambao para ipaliwanag ang magiging takbo ng opisina niya, subalit ni anino ng opisyal ng Dermalog ay hindi nakita. Dapat lang sigurong dinggin din ang paliwanag ng Dermalog para transparent itong kagustuhan ni Guadiz, di ba mga kosa? Mismooooo!

Hindi lang ‘yan, sa unang meeting ni Guadiz sa LTO officials, ipinahiwatig din niya ang planong ibasura ang LTMS at ibalik ang serbisyo ng Stradcom, na may hawak ng LTO IT service noong panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino. Sinabi ng mga kosa ko na sa panahong ‘yun, inulan ng reklamo ang LTO dahil sa nagkalat na fixers na naglalako ng kung anu-anong serbisyo na ang nalulugi ay ang gobyerno. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Kung parehas lang sa serbisyo na ialay ng Stradcom, bakit kalangan pang palitan pa nito ang Dermalog, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Ang tanong para kay Guadiz, “Why fix the sink when it’s not broken? Mismooooo!

Para susugan pa ang pagbalik ng Stradcom, sumulat si Guadiz nitong buwan sa Insurance Commission para ibalik sa opisina ni Quiambao ang validation ng Certificate Coverage of motor vehicles kung saan may karagdagang babayaran ang mga motorista.

Sinabi ng mga kosa ko na itong hakbangin ni Guadiz ay kontra sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng LTO at Insurance Commission na may petsang December 2020. Hindi pa kuntento si Guadiz at pagkaraan ng isang araw, naglabas ito ng memo sa lahat ng regional directors at office heads na ibalik ang ACES system na ino-operate ng Stradcom na s’yang mandatory IT service provider ng lahat na driving schools.

Idinagdag pa ng mga kosa ko na walang abisyo sa memo na ito ang Management Information Division ng LTO. Ano ba meron dito sa Stradcom at sobrang love’s sila ni Guadiz? Nakakadada na ha? Dipugaaaaa! Dapat sigurong imbestigahan ni President Bongbong Marcos ang isyung ito sa LTO sa pangambang maging ugat ito ng corruption na makakasira sa kanyang gobyerno. Mismooooo! Abangan!

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with