^

Punto Mo

Praning pandemic ang lumulukob sa daigdig

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

WALA nang mas malalang sakit sa buong mundo ngayon kundi ang pagkapraning o ang kawalan ng normalidad sa diskarte ng pamumuhay. 

Masyado na tayong inaalipin ng takot sa isyu ng mga bagong sakit, kalamidad at banta ng lindol. Maging ang pag-aaral ng mga kabataan na magpapatibay ng pundasyon sa pamumuhay ay sinalanta na rin ng pangamba’t takot. 

Ano nga ang matututunan ng mga kabataan kung mula sa tahanan at eskuwelahan ay kinulapol na ng kapraningan dahil sa kagipitan? Kung ang kabuhayan ay binabarubal ng kalamidad at kaguluhan, di ba kamatayan din ang hahantungan? Tsk tsk tsk!

Nilulukuban na ang buong mundo ng kadiliman dahil sa pagkagimbal sa mga iniuulat ng medical at military scientists. May malaking kaalaman hinggil sa medical at pharmaceutical research and practices. Paano naman ang mga nasisiraan na ng katinuan dahil sa kahirapan?

Naghihingalo na ang ekonomiya sa halos kalahati ng buong mundo. Tanging ang mga bansa na hindi umaasa sa imported na pagkain ang nakakatayo pa. Ang mga bansang ito ay nagagabayan ng mga agronomists katulad ng Pilipinas at karatig bansa sa Asya. Masuwerte pa rin tayo di ba?
Kung maisasakatuparan lang ang agricultural reforms ni President Bongbong, hindi na tayo aangkat ng makakain. Hindi na rin tayo masisilat ng mga hinayupak na smugglers ng bigas at gulay. Makakamit natin ang economic reforms kung tulung-tulong.

Tama ba Yogi?

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with