^

Punto Mo

Bakit bumabagal ang pagbabakuna?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa P5.1 bilyon ang halaga ng mga na-expired na bakuna na binili ng mga pribadong sektor.

Kabilang nga rito ang mahigit sa 4 na milyong doses COVID-19 vaccine na natengga sa private sector warehouse.

Sa kasalukuyan ay pinaiigting ng  pamahalaan ang programa sa bakuna, kung saan hinihikayat nila ang lahat ng mamamayan na magpaturok at magpa-booster na bilang proteksyon sa virus.

Kung matatandaan, pinuna ang  desisyon ng Department of Health (DOH) at ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na payagan na second booster sa mga Pinoy na 50-anyos pataas, habang ang edad-18-49 naman para lamang sa may comorbidities.

Mistulang ang polisiya sa priority groups ang isa sa nagiging dahilan kaya bumabagal ang pagbabakuna.

Kung marami din lang naman ang nakaimbak o nakukuhang bakuna, imbes na ma-expire bakit hindi na lang buksan sa lahat.

Alisin na ‘yung sinasabing, ang grupong ito o ang age group na ito ang priority na mabakunahan o mabigyan ng second booster.

Sa paghihintayan kaya yata nagtatagal at bumabagal.

Hindi na naman katulad dati ang sitwasyon sa kasalukuyan.

Noon kasi kailangan talagang agad na maturukan ang mga health workers dahil na sila ang expose sa mga nagka-COVID na nasa mga pagamutan.

Iba na sitwasyon ngayon, pinapalakas ang pagpapaturok sa second booster .

Pero sa ngayon bukod sa health workers, seniors at nasa edad- 50 pataas  na tumanggap na ng primary vaccine at first booster ang tuturukan ng second booster.

Ang nasa edad-18 hanggang 49 ang papayagan ay yaong may comorbidities lamang.

Buksan na sa  lahat ng age group ang second booster.

Wala na ang mga priority o age group na dapat na mauna.

Lalu pa nga at magbubukas na ang klase na ito ang kailangan ng maraming mag-aaral.

Kung sino ang gustong magpa-booster na wala namang dahilan para hadlangan, turukan kaysa naman masayang na naman at ma-expire ang mga bakuna.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with