^

Punto Mo

Ang katotohanan ayon sa psychology

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kadalasan, ang mga tao ay sa gabi umiiyak dahil mahirap kontrolin ang emosyon kapag pagod at kulang sa tulog.

• May 3 solusyon sa bawat problema: tanggapin mo ito; baguhin mo ito; or iwanan mo ito. Kung hindi mo matanggap, baguhin mo ito. Kung hindi mo mabago, hayaan mo at iwanan ito.

• Kung takot ang iyong anak sa iyo, hindi ka niya pagkakatiwalaan kahit kailan at kung wala silang tiwala sa iyo, wala silang matututuhan sa iyo.

• Ang British actor na si Tom Hardy ang nagsabi nito: “May panganib sa pag-iisa (alone time). Matapos mong madama ang kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisa, baka maadik ka na sa ganitong sitwasyon at hindi mo na gugustuhing makisama sa ibang tao.”

• Ang pagkabata ang pinakamaikling bahagi sa ating buhay, ngunit bakit kaya ang mga pangyayari sa ating kabataan ang nanatili sa ating alaala nang pinakamatagal.

• Ang ating isipan ay may kakayahang makadama ng panganib, kaya kung may napansin kang may mali sa isang sitwasyon, huwag mong balewalain ang pakiramdam na iyon.

• Minsan dapat unawain na ang pagpapaliban na gawin ang isang bagay (mamaya na lang; bukas na lang) ay hindi katamaran kundi may mga tao lang na mas ginaganahang magtrabaho kapag malapit na ang deadline. Mas gumagana ang utak nila kapag nai-stress sila na madaliin ang isang trabaho upang matapos agad ito.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with