^

Punto Mo

Ginger (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DINUKOT ni Anton sa bulsa ng kanyang jacket ang multipurpose knife. Dinampot ang bao ng niyog  at binuta-san sa gilid. Naghanap siya nang mahabang patpat na kawayan. Kinalag niya ang tali ng sapatos at itinali sa patpat at saka dinikit ang bao. Nagkaroon siya ng sandok na may mahabang tangkay.

Pumuwesto siya sa bunganga ng balon. Pinagmasdan ang mga nagbabagang bato. Kahit isa lang daw ang kunin ay sapat na, ayon kay Tandang Nado.

Ibinaba niya ang sandok sa balon. Tamang-tama ang haba sapagkat naabot ang mga bato.

Pero hindi ganun kabilis sumandok ng bato. Hindi siya makakuha ng bato sapagkat matigas ang pagkakasalansan. Kailangang mapuwersa ang pagsandok niya.

Ilang beses siyang sumandok pero walang makuha. Pero hindi siya tumigil. Hindi siya susuko. Alang-alang kay Ginger, pagsisikapan niyang makakuha ng bato.

Isang mapuwersang pagsandok ang ginawa niya.

Hanggang sa makakuha siya ng isang bato.

Dahan-dahan niyang itinaas ang sandok.

Sa wakas mayroon na siyang panlaban sa kumulam kay Ginger. (Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with