^

Punto Mo

NCAP pinasususpinde muna!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dahil sa sangkaterbang reklamo ng mga motorista lalu na ng mga PUVs operators, kung kaya hinihiling ng  Land Transportation Office (LTO)  sa mga local chief executives na suspendihin muna ang pagpapatupad ng ‘no contact apprehension’ sa kanilang lokalidad .

Ito ang giit ng  LTO chief Teofilo Guadiz hangga’t wala pa umanong malinaw na panuntunan dito ang pamahalaan.

Karamihan sa mga natanggap na reklamo ng LTO ay mula sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan. Kasi nga sila ang naoobligang magbayad ng multa sa mga nahuling paglabag ng kanilang mga driver.

Sa ilalim kasi ng ‘no contact apprehension policy’ (NCAP)  , ang plaka ng mga sasakyan na nakukunan at kung kanino ito nakarehistro yun ang pagbabayarin ng multa.

Aminado ang LTO na may kulang sa panuntunan na dapat pang repasuhin, kabilang nga dito na dapat ay ang driver o kung sino ang nagmamaneho sa oras na naitala ang paglabag ang siyang dapat na magbayad sa penalties.

Isa pa nga sa nakikitang dapat na mapag-aralan ay kung papaano nga naman kung naibenta na ang sasakyan at hindi pa naililipat ang rehistro nito sa bagong nakabili at pagkatapos ay naitala ang paglabag.

Ang dating owner pa rin ang siyang hahabulin.

Ang ganitong mga concern ang dapat munang matutukan bago tuluyang ipatupad ang NCAP.

Bagamat maganda ang layon ng ‘no contact apprehension’, na magdidisiplina sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko may nakakakita man o wala.

Mapipigilan din nito ang kotongan sa mga lansangan, gayunman dapat marahil maplantsa muna ang lahat ng panuntunan, para walang maagrabyado kalaunan, lalu pa nga’t sobrang taas ng penalty na inilaan sa ibat-ibang paglabag.

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with