^

Punto Mo

PRO5 sa Bicol, top awardee ng PNP anniversary!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HUMAKOT ng awards ang Cordillera police at Police Regional Office 2 sa ginanap na 121st Police Service Anniversary sa Camp Crame nitong Lunes. Tig-tatlong awards ang nakopo ng dalawang police regional office (PRO) na hindi na masama, di ba mga kosa? Siyempre marami pang outstanding units at individual awardees na ginawaran ng plake at memento mismo ni President Bongbong Marcos Jr., na inasistehan nina DILG Secretary Benhur Abalos, at PNP chief Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin Jr.

Ang nanalo sa Cordillera police ay ang Mountain Province 1st Mobile Force Co., bilang Best Provincial Mobile Force Co., sa pamumuno ni Lt. Col. Roy Awisan, samantalang ang Baguio City Mobile Force Co., ang napiling Best City Mobile Force Co. sa liderato ni Lt. Col. Renny Lizardo. Si NUP Mary Jean Bañaga, ng Cordillera police ang napiling Best NUP (Non-Supervisory Level).

Sa PRO2 naman, masasabi kong double wammy si Col. Renell Sabaldica, dahil napili siyang Best Senior Police Commissiones Officer for Administration at ang Cagayan police na pinamunuan n’ya bilang Best Police Provincial Office. Eh di wow! Si S/Sgt. Arnel Abenoja ng PRO2 ang napiling Best Junior Police NCO for Operations. Hayan, kung makita n’yo mga kosa sina Brig. Gen. Ronald Lee at Brig. Gen. Steve Ludan, regional director’s ng Cordillera police at PRO2, na nakangiti alam n’yo na ang dahilan ha? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Siyempre, ang nanguna o top awardee ng okasyon ay ang Police Regional Office 5 (PRO5) sa Bicol na napiling Best Police Regional Office of the Year. Ang award ay tinanggap ni Brig. Gen. Mario Reyes, ang PRO5 director. Si Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez, ang director ng PNP Finance Service ang napiling Best National Administrative Support Unit. Sina Generals Reyes, Lee, Ludan at Nartatez ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw Diwa Class of ‘92. Teka nga pala! Hindi lang sina Reyes, Lee, Ludan at Nartatez ang dapat kong i-congratulate mga kosa kundi maging ang iba pang awardees. Tumpak! Hak hak hak! Snappy talaga ang mga Class ‘92 ‘no mga kosa?

Pinuri ni President BBM ang PNP dahil sa inilagay nila ang kanilang buhay sa alanganin para magserbisyo ng 24/7 nang sa gayon mapangalagaan ang kaligtasan ng mga Pinoy. “The tremendous risks and often unseen danger attached to your line of work are immensely daunting for many and yet without hesitation the PNP continues to pursue its calling to serve and to others,” ani President BBM.

Maliban sa pagmintina ng peace and order, ang PNP, ani President BBM, ay gumaganap din ng traditional duties, lalo na sa pag-asiste sa vehicular traffic, pag-address ng emergency situations, pag-imbestiga ng krimen, pag serve ng warrants, at paghuli ng law violators. Naatasan din silang mag-implement ng educational outreach programs, pagkilala at pagturo ng crime prevention at resolution. Sobrang dami ng trabaho ng pulis natin, ‘no mga kosa? Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with