^

Punto Mo

DEAR-ROTC: Dapat isulong

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAPAPANAHON na upang ibalik ang ROTC sa unibersidad upang ma-ging handa sila sa pagdamay sa pamayanan sa sandaling magkaroon ng emergency tulad ng pananalasa ng bagyo, sunog at lindol. Dito na puwedeng pumasok ang Disaster Emergency Awareness and Response (DEAR)-ROTC. Ayos di ba?

Isinulong ang pagbabalik ng ROTC sa unibersidad upang maging handa sa panahon na ang bansa ay mala-lagay sa banta ng kaguluhan. Magandang panukala ito. Maari silang makatulong habang nag-aaral tulad ng ginagawang pagtulong ng mga kasundaluhan sa tuwing may malalang sakuna sa panahon ng kalamidad. At madidismaya ang mga makakaliwang recruiters!

Dapat ding maparagdag na leksyon sa ROTC ang rural service at maging kapanalig ang mga ROTC cadets sa pagtatanim ng punongkahoy sa mga kabundukan, gilid ng mga ilog at sapa bilang kabahagi ng programang pangkalikasan at kalusugan.

Malaking tulong sa gobyerno kung ang ROTC cadets ay magagamit sa proyektong pangkalikasan upang makatulong sa muling pagbuhay sa mga kagubatan at kabundukan. Maiiwasan din ang kakapusan ng tubig sa darating na panahon. Makabuluhang kontribusyon ito ng mga kabataang lalahok sa DEAR-ROTC.

Matutuwa rin ang mga magulang ng ROTC cadets kung mabibigyan sila ng insentibo sa pagtupad nila sa requirements na rural service kabahagi ng pondo ng AFP. Pampalubag loob lang. Okey ba?

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with