^

Punto Mo

Ginger (112)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘KAPAG nakakuha ka ng bato, dalhin mo agad sa akin para mabalot ko ng papel na may orasyon. Ang batong makukuha mo ang makagagamot sa iyong kasintahan na si Ginger,’’ sabi ni Tandang Nado.

‘‘Kahit isang bato lang po ang kunin ko, Tandang Nado?’’

“Oo.’’

Itatanong sana ni Anton sa matanda kung ano ang gagamitin niya sa pagkuha ng bato sa balon pero hindi na niya itinuloy at baka isipin na wala siyang kapara-paraan.

Pero nabasa yata ni Tandang Nado ang kanyang iniisip. Nagsalita ito nang tatayo na si Anton.

“Puwede kang gumamit ng anumang sa palagay mo ay puwedeng ipangkuha sa bato. Bahala kang gumawa ng paraan, Anton. Mahalaga na makakuha ka kahit isang bato.’’
“Opo. Salamat po, Tandang Nado.’’

Nagmamadaling bumaba ng kubo si Anton at nagtungo sa balon na siguro ay may 50 hakbang niya ang layo mula sa kubo.

Pagdating sa balon, tumunghay siya sa balon. Malalim. Hindi puwedeng abutin ng kanyang kamay ang mga nagbabagang bato. Hindi rin naman niya puwedeng hawakan at tiyak mapapaso siya.

Nag-isip siya kung paano makakakuha ng bato sa balon.

Luminga-linga siya sa paligid. Kailangang makakita siya ng bagay na puwedeng isalok sa bato.

Hanggang sa makakita siya ng isang bao ng niyog.

Kinuha niya. Kailangang lagyan niya ng tangkay o hawakan ang bao. (Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with