^

Punto Mo

Handa na ba talaga sa pagbubukas ng eskuwela?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tuloy na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Aug. 22.

‘Yan ang pagtiyak ng Department of Education (DepEd) sa gitna ng kalagayan na patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso ng COVID-19.

Habang naghahanda na rin sa 100 percent nang face-to-face classes sa darating na Nob.

Ang pagtaas ng kaso ay dulot naman umano ng mga subvariant ng Omicron na sinasabing mas madaling makahawa.

Kaya nga, maraming magulang ang nais na mabigyan ng proteksyon ang kanilang anak, pinababakunahan na nila ang mga ito bago magbukas ang klase.

Maganda ang datos ng DOH sa  mga nasa  12-17 pediatric population na nagpabakuna na at ang ilan pa nga ay nakapagpa-booster na.

Sa target na 8.9 milyon lumagpas pa ito sa 9.7 milyon katumbas ng 109 percent ng target population (as of Aug. 7).

Malaking bagay ang bakuna, dahil nga rito sa kabila nang pagtaas ng kaso, mababa pa rin ang naoospital o yaong nasa kritikal na kalagayan. Hindi kagaya dati na talagang marami ang nabuwis ang buhay.

Proteksyon ang bakuna na siya ngang isinusulong ng pamahalaan lalo pa nga at inaasahan pang tatagal ang  ‘wave’ ng COVID- 19 Omicron variant   hanggang sa ‘ber months’.

Ibig sabihin, masasapol talaga ang F2F classes.

Ngayong wala nang makapipigil sa pagbabalik-eskuwela, bukod sa bakuna ay kailangan pa ring matiyak ang magiging kalagayan sa loob ng mga silid –aralan ng mga mag-aaral.

‘Wag maging kumpiyansa dahil sa may bakuna, kailangan pa rin na sundin ang pinaiiral na health protocols.

Ito marahil ang unang dapat na maipaunawa o maipalala sa mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan. Kung pwede nga maging ‘first lesson’ ang mga paraan para makaiwas sa virus ng COVID.

Pangunahan marahil ito ng mga magulang at mga guro na dadatnan nila sa kani-kanilang paaralan.

Kailangang matiyak hindi lang ang katawan ng mismong mag-aaral, kundi magiging  kondisyon nila sa loob ng mga paaralan.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with