^

Punto Mo

Psychology facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Limang senyales na yumayabong na ang iyong pagkatao: 1) Alam mong ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw sa mga sitwasyon kaya okey lang sa iyo na may mga taong hindi ka nauunawaan. 2) Pinanatili mong realistic ang expectations mo sa iyong sarili kaya hindi big deal sa iyo na mabigo ka paminsan-minsan. 3) Hindi mo pinepersonal ang mga sinasabi ng iyong “haters” dahil batid mo na may mga taong ibinubunton nila ang kanilang insecurities at frustrations sa ibang tao. 4) Marunong kang magpatawad sa sarili mong pagkakamali ngunit pinaninindigan mong hindi mo na uulitin ang pagkakamaling iyon. 5) Hindi ka tumitigil sa pagsisikap na maabot mo ang iyong pangarap ngunit may inilalaan ka pa rin oras ng pamamahinga at paglilibang para sa iyong sarili.

• Ang bawat cells sa iyong katawan ay nagre-react sa lahat ng bagay na iniisip mo. Kaya pinabababa ng negativity ang immune system na nagiging tulay ng pagkakasakit.

• Malaki ang tsansang manahin mo ang habits ng isang taong malaki ang oras na ginugugol mo sa kanya araw-araw. Ito ang nagbunsod upang mabuo ang kasabihang: Tell me who your friends are; and I will tell you who you are.

 • Matuwa ka kung lagi kayong may “small fights” ng karelasyon mo. Ang tendency ng isang tao ay tumigil na siya sa pakikipagtalo kung wala na ang emotional connection niya sa kanyang karelasyon.

• Huwag mong gamitin ang iyong favourite song sa alarm clock, you’ll end up hating it.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with